Memories of the Past [COMPLETED]
Ilaglag mo ang panyo mong may pabango
Papahiran ko ang luha ng puso ko
Ah! pag-ibig kung ang oo mo ay matamo.
Ah! pag-ibig kung ang oo mo ay matamo.
Hanggang sa hukay, hanggang sa hukay
Magkasama ikaw at ako!
Magkasama ikaw at ako!
Matapos ang awit ni Felicidad, tahimik pa rin ang lahat. Walang nakaisip na pumalakpak. Si Francisco ay nakatunganga, ang bangkero ay sa malayo nakatingin. Si Alvino ang nakaisip bumalabog, kinuha ang tambuli at ubos lakas na hinipan. Nagulantang ang lahat at muling nabuhay ang tawanan, harutan at kasiglahan.