Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride

Shadows of a Vow: The Professor's Hidden Bride

Gumuho ang mundo ni Mallory nang matuklasan niya ang kanyang pagbubuntis! Ang ama? Ang kilalang propesor sa pinapasukan nitong unibersidad! Parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang pinapili pa sa kanya ni Professor Leviste ang dalawang bagay na maaari niyang gawin…ipalaglag ang bata, o ikasal siya rito. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob upang pumayag siyang ikasal siya rito pero hindi niya naman kayang ipagkait sa bata ang pagkakataong lumaking walang ama. Sa isang iglap, ang simpleng estudyante na si Mallory ay naging “Mrs. Leviste” — asawa ng isang lalaking kilala sa katalinuhan ngunit may pusong tila yelo. Ngunit, pagkatapos ng pag-iisang dibdib ng dalawa ay magkahiwalay silang natutulog at magkahiwalay na nabubuhay sa parehong bubong. Hanggang sa isang gabi na kumatok si Theodore sa kanyang pintuan, yakap ang isang malaking unan. "Nasira ang heater sa kwarto ko," paliwanag pa nito sa malalim na boses na may bahid ng kahihiyan. "Pwede…pwede bang dito muna ako matulog ngayong gabi?" Walang nagawa si Mallory kundi ang pumayag. Isang gabi na naging dalawa... na naging araw-araw. Sa ilalim ng iisang bubong, matutuklasan kaya nila ang tunay na kahulugan ng pag-ibig, o mananatili silang bilanggo ng kasunduan na pinasok nilang pagkakamali?
Romance
215 viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO's Hidden Triplets: Her Sweet Revenge

The CEO's Hidden Triplets: Her Sweet Revenge

Isang gabi ng pagkakamali ang bumago sa tadhana ni Lana Serrano. Matapos ang isang mapusok na one-night stand kasama ang malamig at ruthless na si CEO Eros Knight, akala ni Lana ay iyon na ang huli nilang pagkikita. Ngunit isang positibong pregnancy test ang naging dahilan ng kanyang takot. Nang marinig ni Lana ang binitiwang salita ni Eros na kailanman ay hindi ito magkakagusto sa isang "low-class woman" at lalong hindi nito kailangan ng tagapagmana, minabuti ni Lana na maglaho. Bitbit ang kanyang sikreto, tumakas siya patungong ibang bansa at pinalaki ang kanyang mga anak nang mag-isa. Pagkalipas ng limang taon, nagbabalik si Lana, hindi na bilang isang mahinhin at mahirap na babae, kundi bilang isang world-class Structural Engineer. May dala siyang misyon, tapusin ang huling project para sa kanyang career at tuluyang kalimutan ang lalaking sumira sa puso niya. Ngunit hindi niya inaasahan ang bagsik ng tadhana. Sa unang araw ng kanyang pagbabalik, muli silang nagtagpo ng makapangyarihang CEO. Mas lalong naging mapanganib at mapang-angkin si Eros, lalo na nang makita nito ang tatlong batang lalaki na carbon copy ng kanyang mukha. "The triplets are mine, Lana. And as for you... you’re not escaping this time." Handa na si Eros na habulin siya, pero handa na rin si Lana na ipatikim sa kanya ang tamis ng paghihiganti. Sino ang unang susuko? Ang bilyonaryong sanay makuha ang lahat, o ang ina na gagawin ang lahat para protektahan ang kanyang mga anak?
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Ang Trilyonaryong Manugang

Ang Trilyonaryong Manugang

Si Anthony Bezos ay ang Nawawalang tagapagmana ng Pamilya Bezos limang taon na ang nakararaan. Naging Son-in-law ng Pamilya Sanchez. Itinuring na Basura, ng sarili niyang biyenan , ikinahihiya at iniinsulto dahil sa pagiging Mahirap. Paano kung isang araw ay malaman nila na ang kanilang manugang ay isang tunay na tagapagmana? Isang araw ay inanunsyo sa TV na ang sinumang makakahanap sa tagapagmana ng Pamilya Bezos ay makakatanggap ng tumataginting na dalawang daang milyong pisong pabuya.
Urban
9.2144.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Stranger's Promises:A Contract

Stranger's Promises:A Contract

Si Celina R. Davantes ang susunod na tagapamahala ng kanilang kompanya. Masaya siya sa buhay niya ngunit magtatapos pala lahat ng masasayang araw niya, hiniwalayan siya ng kanyang ex na si Renz Fillamore sa hindi maayos na dahilan. Ilang araw siyang nagmukmok sa kan'yang kwarto at hindi nagsalita sa kung sinumang tao. Isang araw, dinala siya ng kan'yang mga paa sa tabing dagat. Tanghali na no'n ngunit paikot-ikot lang siya hanggang sa maisipan niyang maglakwatsa. Doon niya nakilala si Darwin, isang weirdong estranghero. Sinabi nitong matutulungan siya nito sa mga problema niya. Ilang araw matapos nilang magkita ay may naisip na ideya si Celina. Ang planong akitin si Renz para muli itong bumalik sa piling niya. At muling nagkita ang dalawa, at bumuo ng alyansa. Isang kontrata ang nagawa. Ngunit habang umuusad ang plano ay madaming bagay ang napagtanto ni Celina. Makukuha kaya ni Celina ang huling halakhak o uuwing luhaan?
Romance
1.9K viewsOngoing
Read
Add to library
TRAPPED WITH A BILLIONAIRE

TRAPPED WITH A BILLIONAIRE

Sinopsis: Si Mariecon Guerrero ay isang aspiring writer na ginugugol ang kanyang mga araw sa pagtatrabaho sa isang bookstore at ang kanyang mga gabi sa pagsusulat ng mga kwentong puno ng matinding pag-ibig—mga kwentong kailanman ay hindi niya inakalang mangyayari sa kanya. Ngunit isang kasunduang kasal na orihinal na para sa kanyang pinsan ang aksidenteng napunta sa kanya, kaya’t hindi inaasahan, natagpuan niya ang sarili niyang kasal kay Hydeo Ridge Dela Fuerte—isang makapangyarihan ngunit malamig at walang pusong negosyante. Kailangan ni Hydeo ng isang asawa upang masigurado ang isang napakalaking business deal, at ang dapat sana niyang mapapangasawa ay ang glamorosang pinsan ni Mariecon na si Madeline. Ngunit dahil sa isang pagkakamali sa mga papeles, si Mariecon ang napirmang asawa sa courthouse wedding. Nang matuklasan ang pagkakamali, labis ang gulat niya nang tumanggi si Hydeo na ipa-annul ang kasal—para sa mga dahilan na hindi niya gustong ipaliwanag. Ngayon, natagpuan ni Mariecon ang sarili niyang nakakulong sa isang malamig at kalkuladong kasunduan sa isang lalaking hindi nagbubukas ng kanyang puso. Ngunit habang sinusubukan niyang alamin ang katotohanan sa likod ng kasal na ito, unti-unting nagbabago ang kanilang relasyon. Ang kasal na nagsimula sa obligasyon ay nauwi sa matitinding banggaan ng kalooban, mga lihim na sandali, at isang damdaming hindi nila maitatanggi.
Romance
101.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Pretty You

Pretty You

Certified raketera, palaban at walang inuurungan. Siya si Leah Rivera o mas kilala sa tawag na Iya ng mga taong malapit sa kaniya. Magmula pagkabata ay natuto na siyang maging isang raketera dahil maaga rin siyang tinuruan ng kaniyang ina na nagtitinda sa palengke ng kung anu-anong trabaho na sa kalaunan ay nakasanayan na niyang gawin. Ang kailangan niya ay pera. Pera na makakatulong sa kanila para mairaos ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan at para na rin makatulong siya sa pagpapaaral sa kaniyang kambal na kapatid na ngayon ay nasa kolehiyo na. Likas kay Leah ang pagiging masayahin at pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay. Pero hindi sa lahat ng oras. Tulad na lamang nang isang gabi, habang nagse-serve siya ng alak sa mga mayayamang costumer ng bar na pinapasukan niya ay may nagtangkang mambastos sa kaniya. Dahil likas sa kaniya ang pagiging palaban, gumanti siya sa lalaki. Ang kaso, ang suntok na dapat na para rito ay dumapo sa isang kasama nito na wala namang ginawang masama sa kaniya. Paano kung ang lalaking hindi niya sinasadyang masuntok ay ang anak ng kaniyang boss? At anong gagawin niya kung sakaling magkagusto ito sa kaniya at yayain siya nitong magpakasal? Makakaya ba niyang tanggapin ang alok nito sa kaniya kapalit ng halaga na makapag-aahon sa kanila sa kahirapan? Will she ever fall in love with the man who is only good at pestering her with his stupid antics?
Romance
1021.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Maalindog na si Teacher Larson

Ang Maalindog na si Teacher Larson

Matapos mahuling may kasamang ibang babae ang kanyang ex-boyfriend, Erika Larson drowned herself to death one night, but was rescued by a man who looks like a greek-god. Isang gabi lang ang pinagsaluhan nila, ngunit pareho na nilang hinanap-hanap ang isa’t isa kaya naman gumawa na sila ng kasunduan—fuck buddies. No strings attached. No feelings involved. Isang kagalang-galang na guro sa isang prestigious catholic kindergarten sa umaga, at tuwing gabi naman ay isang nakakaakit na babae sa ibabaw ng kama ni Logan. Ngunit paano kung ang lalaking kinahuhumalingan niya ay siya palang ama ng isa sa mga batang estudyante niya? Hahayaan niya bang maging isa siyang kabit ng mayamang si Logan Vallejo, o tuluyan na niyang pakakawalan ito? Paano kung huli na ang lahat bago pa man siya makagawa ng desisyon?
Romance
1013.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Rebirth: In the arms of my Ex's Uncle

Rebirth: In the arms of my Ex's Uncle

Vivian Caldwell gave up everything for Luca Moretti—her dreams, her independence, and ten years of her life. As the heiress to the Caldwell fortune, she built his empire, enduring his family’s abuse and his emotional neglect. But when she catches him red-handed with his first love, her world shatters. Confronting him only leads to more heartbreak when Luca cruelly throws her from a balcony, leaving her for dead. But Vivian wakes up in the past, years before her death, with one clear goal—revenge. This time, she won’t be the naïve woman sacrificing everything. She’ll take back her power, her fortune, and her life. The elusively attractive Dante Moretti, Luca's uncle, becomes her greatest ally—but on one condition: she must marry him.
Romance
1.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Moonlight Warriors (Tagalog)

Moonlight Warriors (Tagalog)

"What if I turned out to be someone you'd despise the most?" tanong ni Calista. "Then I'll be there to save you before that thing happens." Iyan ang binitawang pangako ni Clyde sa kasintahang si Calista bago ito naglaho nang parang bula. Ni minsan hindi sumagi sa isip ni Clyde na darating ang araw na mararanasan niyang ibigin at umibig nang tunay. Sa isang iglap, biglang nagkaroon ng kabuluhan ang dati ay magulo niyang buhay nang makilala niya si Calista. Subalit ang sayang ipinadama sa kan'ya ng tadhana ay hindi rin nagtagal nang isang gabi, natagpuan na lamang niyang walang buhay si Calista at ang mga magulang nito sa kanilang tahanan. Kasabay ng trahedyang ito ang biglaan ding pagkamatay ng kan'yang mga magulang. Pinaniniwalaan na ang may gawa ng mga pagpaslang na ito ay ang isa sa mga pinaka kinatatakutang nilalang sa mundong ito; ang mga taong-lobo. Isinumpa ni Clyde na kan'yang ipaghihiganti ang kan'yang mga mahal sa buhay mula sa mga mapaminsalang halimaw na ito. Subalit paano kung sa paglipas ng maraming taon ay muli niyang matagpuan ang pinakamamahal niyang babae na buong akala niya ay matagal nang patay? Paano kung malaman niya na ito na ngayon ang pinuno ng mga taong-lobong matagal niya nang inaasam na patayin? Mananatili kaya ang pag-iibigan nila sa isa't isa kung ang kapalaran nila ay ang puksain ang lahi ng bawat isa?
Other
1011.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire's Escort

The Billionaire's Escort

"Hindi ko ibababa ang sarili ko at magtatrabaho sa ganiyang trabaho!" Ito ang salitang palaging sinasabi ni Alina sa kaibigan na si Breeze nang alukin siyang magtrabaho sa Midnight Haven. Ngunit nilunok niya lahat ng binitiwan niyang kataga nang gipit na gipit siya. Naging VIP escort siya sa isang gabi sa bilyonaryong si Eros Ramazzotti kapalit ng kalahating milyon. Sobra-sobra pa ito sa pang-tuition at thesis niya. Subalit paano kung dahil sa isang gabi na ito ay magbabago ang agos ng buhay niya? Paano kung biglang sumulpot ang lalaking pinagsilbihan niya ng gabing iyon at sumulpot sa apartment niya at inaalok na maging exclusive escort nito? Ano ba ang mas matimbang? Ang dignidad na gusto niyang ingatan kahit alam niyang nasira na o ang tawag ng laman na pilit sinisigaw ng damdamin niya pagkatapos niyang matikman ang sinasabi ng kaibigan niyang langit?
Romance
1024.5K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1718192021
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status