Hot Sugar Mommy (Tagalog)
Pumihit siya paharap kay Romana.
"T-Totoo ba ang sinasabi niya, R-Romana?"
Nagbaba lang ng tingin si Romana, isang kilos na hindi na kailangan pa ng sagot. Inaamin nito ang paratang ni Lalaine.
"W-Wait, there's more! S-Siya rin ang nagbigay ng isang sex video kay Vincent kung saan ako ang main character na hindi ko alam kung saan niya nakuha kaya tuluyan na hiniwalayan ako ng asawa ko! B-Buntis ako nang iwanan ako ni Vincent! Sinaktan ako ng putang amang lalaking iyon na naging dahilan ng pagkawala ng baby ko! Kaya nawala ako sa sarili at nakulong sa mental hospital nang matagal! Kasalanan ng dalawang demonyong 'yan! Sila ang masama, hindi ako!"