The Billionaire's Babysitter
Sambit ko at eksaheradang hinawi ang buhok at naglakad patungo sa pintuan.
"Yes o ikakalat ko ang video mo kagabi?" Aniya dahilan upang matulos ako sa aking kinatatayuan at parang robot na dahan-dahang lumingon sa kanya. Ngumisi naman ang loko pagkakita sa hitsura ko. "Madali akong kausap, Miss Malaya Ruiz..." May hinugot siya sa kanyang bulsa at halos bumagsak ang aking balikat nang iwagayway niya ang kanyang cellphone. "I have a clear video of what you did last night, you know... Well, you're right, I can easily get any woman of my choice to bring to that party so, I'll just post this only, I think?" Nagkibit siya ng balikat pinindot-pindot ang kanyang telepono.
인기 회차