Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Ang Pagbuko sa Impostor

Ang Pagbuko sa Impostor

Ikakasal na ang pinakapopular na babae sa amin noong high school. Inimbitahan niya ang lahat sa aming klase para sa kaniyang kasal. Gusto kong kumilos na parang hindi ko nakita ang message na ipinadala niya sa akin pero walang tigil niya akong tinag sa group chat. “Nagkunwari kang mayaman gaya ko noong high school, pero hindi kita masisisi sa ginawa mo. Sa totoo lang, iniimbitahan kita sa kasal ko bukas para makita mo kung paano maging isang tunay na mayaman.” Agad na nagsalita ang iba naming mga kaklase. “Napakabait mo talaga, Haley. Kaya hindi na ako magtataka kung paano mo nagawang pakasalan ang isang miyembro ng pamilya Baumer. Hindi ako makapaniwala na mapapatawad mo ang isang materialistic na kagaya ni Emma!” “Ano ba ang deserve ng isang kagaya ni Emma Larkin para makaattend sa kasal ni Haley? Masyado siyang mayabang.” Habang tumitindi ang mga pangiinsulto, umabante si Haley Stockwell para mapanatili ang kapayapaan sa chat. “Sige na, kalimutan na natin ang mga hindi maganda nating nakaraan. Hindi na ako naaapektuhan sa mga ito dahil masyado nang matagal mula noong mangyari ang mga iyon. Anyway, huwag na tayong maghinanakit kay Emma dahil masyado na itong mahirap at pangit.” Walang tigil na umulan ang mga papuri sa kaniya ng lahat sa group chat habang tinatawag siya ng ilan sa amin na mabait at inosente. Napasinghal ako sa aking nakita. Si Haley ang babaeng nagkukunwaring mayaman sa amin—ako ang tunay na tagapagmana ng isang mayamang pamilya pero pinalabas pa rin niya na sinungaling ako. Ginawa niya akong target ng mga pangiinsulto ng lahat. Tiningnan ko ang digital wedding invitation para makitang gaganapin sa aking villa ang kaniyang kasal. Mukha ring pamilyar ang kaniyang groom—hindi ba’t ito ang driver ng aking asawa? Ngumiti ako nang maisip ko ang mangyayari. Sumagot ako sa chat ng, “Sige! Kailangan kong umattend ng kasal mo!”
1.2K viewsCompletedAdded to Library 26 Times as ano ang nauna itlog o manok
Read
+Library
Ang Inosente Kong Minamahal

Ang Inosente Kong Minamahal

Sa gitna ng malakas na ulan. Nasa bingit ng kamatayan ang isang bilyonaryong si Mike Mondragon. Isa siyang lumpo. Ngunit sa likod ng kaniyang kapansanan ay may nakatagong sekreto. May babaeng dumating. Marumi at walang tsyenelas. Ito ay si Alexa Chan. "Thank you for saving my life," walang lakas na boses ni Mike. "Huh? Pwede bang magtagalog ka naman? Isa pa, bakit ka ba lumalangoy diyan? Dapat sa dagat. Hindi dito sa kalsada." Inosente ang babae at walang ka-alam alam. Tinatawag na tanga at bobo ng iba. Walang alinlangan na binuhat ng isang babae si Mike. Pina-upo niya ito sa natumbang wheel chair kanina sa tabi ni Mike. "What's your name? Can you take me to the hospital?" Napahawak si Mike sa braso ng babae. Ngunit, lutang ang babaeng tinangnan siya. Kita sa mukha nito na wala siyang maintindihan sa sinabi ni Mike. Hanggang sa nagulat si Alexa ng tuluyan ng nawalan nang malay si Mike. Ngunit, isang araw ay bumalik ang fiancé ni Mike si Margie. Sino nga ba ang dapat na piliin? Ang babaeng minahal o ang inosenteng tumulong sa kaniya?
1064 viewsOngoingAdded to Library 1 Times as ano ang nauna itlog o manok
Read
+Library
Ang Haplos Ng Bilyonaryo

Ang Haplos Ng Bilyonaryo

“Isang gabi ng pagkakamali sa piling ng estrangherong asawa at isang gabing magpapabago sa kanyang tadhana.” ​Tatlong taon nang kasal si Elena sa isang misteryosong bilyonaryong si Dante Valderama, isang kasalang papel lamang para iligtas ang negosyo ng kanyang pamilya, at isang lalaking hindi pa niya kailanman nakita. Sa gabing desidido na siyang tapusin ang lahat, nagtungo siya sa hotel suite ng kanyang asawa para humingi ng diborsyo. Ngunit dahil sa alak at isang pagkakamaling hindi na mababawi, nauwi ang kanilang paghaharap sa isang mapangahas at mapusok na gabi sa dilim, isang gabing hindi nila alam kung sino ang kanilang kaharap, tanging init at pagnanasa lamang ang nag-uugnay sa kanila. Tumakas si Elena, bitbit ang takot at lihim ng gabing iyon. Ngunit para kay Dante, ang babaeng nagmulat sa kanya ng kakaibang pagnanasa ay hindi basta palalampasin. Hahanapin niya ito, kahit hindi niya alam na ang babaeng hinahabol niya ay ang asawang matagal na niyang binalewala.
106.0K viewsOngoingAdded to Library 181 Times as ano ang nauna itlog o manok
Read
+Library
Ang Manugang kong Hamak

Ang Manugang kong Hamak

Nagpanggap na mahirap si Sabrina Gabrielle Madrigal, ang bunsong anak sa tatlong magkakapatid na anak ng kilalang Business Tycoon na si Don Felipe Madrigal. Namuhay ng simple at nakihalubilo sa gitna ng mga taong hindi niya kapantay ang estado sa buhay. Pinili niyang bumaba sa pedestal na kinalalagyan, iyon ay dahil kay Vladimir Hidalgo na isang gwapong Varsity Player na nakapag-aral lang dahil sa scholarship. Paano kung ang lalakeng pinangarap at minahal ng higit sa sarili ay ito pa pala ang magsadlak sa kaniya sa mala-impyernong buhay? At ano ang magiging bahagi ng isang Zachary Montefalcon sa buhay ni Sabrina Gabrielle na nakilala lang nito dahil sa isang aksidente? Sa pagitan ng pag-ibig at paghihiganti. Ano ang mananaig?
102.2K viewsOngoingAdded to Library 84 Times as ano ang nauna itlog o manok
Read
+Library
Ang Hipag Ko, Ang Asawa Ko (Sugar Daddy Series #11)

Ang Hipag Ko, Ang Asawa Ko (Sugar Daddy Series #11)

Si Liam Yang, isang sikat na aktor na lumaki sa Pilipinas at kasal kay Barbie Cheng, isang kilalang aktres. May dalawang anak sila at nabuo ang kanilang pamilya sa kabila ng pressure ng showbiz at mga kontrata na nagbabawal sa pagbubunyag ng kanilang relasyon. Isang aksidente ang nagbago sa lahat nawalan ng alaala si Liam at nakalimutan niya na may asawa at mga anak siya. Para maprotektahan ang pamilya, itinago ni Barbie ang katotohanan at pinanatiling lihim ang kanilang tunay na relasyon. Sa panahong iyon, unti-unting muling nahulog ang loob ni Liam kay Barbie, kahit hindi niya alam na asawa niya ito. Ngunit nagulo ang lahat nang pumasok ang isang obsessed na babae sa buhay ni Liam, na naging sanhi ng kasinungalingan, selos, at pagkasira ng tiwala. Dahil dito, napilitang lumayo si Barbie kasama ang bunsong anak, habang ang panganay ay naiwan sa pamilya sa Pilipinas. Pagkalipas ng ilang taon, bumalik si Barbie upang bawiin ang kanyang pamilya at ang mga karapatang kinuha sa kanya. Nang bumalik ang alaala ni Liam, muli silang naharap sa komplikadong sitwasyon na puno ng sikreto, sakit, at pag-aalinlangan. May pag-asa pa bang mabuo muli ang kanilang pamilya, o tuluyan na silang paghiwalayin ng nakaraan at mga pagkakamaling hindi na mababawi?
1013.4K viewsCompletedAdded to Library 322 Times as ano ang nauna itlog o manok
Read
+Library
Ang Pakipot na Mechanico

Ang Pakipot na Mechanico

Bumalik ako para mahalin ka,lahat kaya kong gawin para mahalin mo rin ako. Nararamdaman kong nagpapakipot ka lang,dahil sa nagawa kong pag-alis na walang paalam sayo.Pero nararamdaman kong mahal mo rin ako-Claire Montage Sebastian (Claire and Macky story) (Book 4)
109.4K viewsOngoingAdded to Library 234 Times as ano ang nauna itlog o manok
Read
+Library
AANGKININ KO ANG LANGIT

AANGKININ KO ANG LANGIT

Bawat babae ay nangangarap ng masaya at perpektong love story. Hindi naiiba roon si Jamilla, isang ordinaryong dalaga na nagmahal ng lalaking langit ang tinatapakan. Pag-ibig ang nagbigay kulay at buhay sa kanyang mundo, ngunit iyon din pala ang wawasak sa pilit niyang binubuong magandang kuwento. Pinili ni Jamilla ang lumayo upang hanapin ang muling pagbangon. Pero ipinapangako niyang sa kanyang pagbabalik, aangkinin niya maging ang langit. Abangan!
9.711.7K viewsCompletedAdded to Library 433 Times as ano ang nauna itlog o manok
Read
+Library
Ang Babae Sa Barko

Ang Babae Sa Barko

Bossy, strict hardworking, workaholic and still single at the age of 25 dahil sa pagiging mataray nito. 'Yan si Colleen Brylle Castro, isang Chief Engineer ng isa sa malaki at sikat na luxury cruise ship na lumilibot sa buong Europe at Asia. Isang hot at gorgeous seawoman na pinapangarap ng lahat pero tinatarayan lang nito at nilalagpasan. Sa pagiging workaholic nito ay wala itong oras na inaaksaya para lamang makipagtalo o kaya ay makipag-date sa kung sino man. Ano kaya ang mangyayari kung aksidenteng makilala niya ang 21 years okd na bubbly, playgirl at spoiled brat na 'rich kid' at isip batang si Jane Mondragon na wala nang ibang ginawa kundi ay kulitin siya? At ano ang gagawin ni Jane kung talagang parang nakababatang kapatid lang ang tingin ni Coleen sa kanya kahit 'di niya pa rin mapigilang ma-in love dito dahil sa pagiging sweet at maalaga nito? Tanggapin kaya ni Coleen ang umuusbong na nararamdaman niya para kay Jane kahit alam niya'ng mali dahil sa pagiging kapwa babae nito?
9.28.1K viewsOngoingAdded to Library 161 Times as ano ang nauna itlog o manok
Read
+Library
Ang Tipo kong lalaki

Ang Tipo kong lalaki

Lady Moon
Mula sa pag papanggap ng bilang isang nobya dala ng pagmamayabang, napahamak ang dalaga, ngunit na iligtas ng hindi kilalang tao. Buwan ang lumipas muli silang pinagtagpo ng tadhana. Ano kaya ang istorya sa pagitan nilang dalawa.
2.5K viewsOngoingAdded to Library 62 Times as ano ang nauna itlog o manok
Read
+Library
Ang Hot Na Mekaniko

Ang Hot Na Mekaniko

Si Pierre ay isang lalaking matikas, gwapo at mahusay na mekaniko. Sa edad na trentay uno ay single pa sya, at wala pa sa planong pumasok sa usaping pang puso. Hindi nababakantehan ang sex life niya. Mataas ang kanyang libido at sinumang babaeng matipuhan ay nakukuha nya. Pero paano kung sa isang dalagang mas bata sa kanya ng labing tatlong taon sya nakaramdam ng init na katawan? Na ang turing sa kanya ay parang kuya. Mapigilan nya kaya ang pagnanasang nararamdaman sa dalaga o magpapaalipin sa nais ng katawan na maangkin ito. Pierre Allen Rosca at Anika Robles story.
1017.5K viewsCompletedAdded to Library 366 Times as ano ang nauna itlog o manok
Read
+Library
PREV
1
...
34567
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status