One Night Stand with a Stranger
"But no, we're not. Walang gano'n. Actually, kaya ko siya tinawag na stalker kasi lagi ko siyang nakakasalubong sa subdivision namin. Nung una, akala ko nagkakataon lang. Pero habang tumatagal, napapansin ko na kahit saan ako magpunta, parang nandun siya palagi. Creepy nga, eh."
Tiningnan niya ako, tila pinag-aaralan ang bawat salita ko habang nagsasalaysay ako.
"Kahit sa social media ko, sinusundan niya ako. Spamming my comments, reacting sa lahat ng posts ko. Dun ko nalaman ang pangalan niya. Pakiramdam ko nga, medyo may sayad na 'yung babae. Nawala lang siya sa buhay ko nang i-report ko siya sa mga pulis."