Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Trapped in Seduction: Between CEO and Mafia Boss

Trapped in Seduction: Between CEO and Mafia Boss

Pagdilat ng mga mata ni Aurora mula pagkamatay, parang muling isinilang ang kanyang sarili—anim na taon ang lumipas, wala siyang alaala, ngunit muli siyang nabuhay na may bagong pamilya. May asawa siya ngayon, si Samuel Castillo, isang makapangyarihang CEO na kilala sa kanyang yaman, tapang, at malamig na ugali. Mayroon din silang dalawang anak na siya lamang ang tinatawag na “Mama.” At sa bawat araw na kapiling niya ang kanyang bagong pamilya, lalo niyang nararamdaman ang misteryo at bigat ng bagong mundong kanyang kinabibilangan. Ngunit sa anino ng kanyang nakaraan, may isa pang lalaking nagtataglay ng kanyang puso—si Lucas, isang makapangyarihang Mafia Boss na minsang minahal ng Aurora bago siya mawalan ng alaala. Para sa nakaraang Aurora, si Lucas ang lahat; ngunit para sa kasalukuyan, tila si Samuel ang pinipili ng kanyang puso, kahit pa puno ng sugat, kapangyarihan, at kontrol ang kanilang relasyon. Magsisimula ang isang laban na hindi niya hiniling—isang tunggalian ng dalawang makapangyarihang lalaki, parehong handang gawin ang lahat upang angkinin siya. Sa gitna ng yaman, kapangyarihan, at pagnanasa, matutuklasan ni Aurora na siya ang magiging gantimpala at sanhi ng isang digmaan ng pag-ibig, pagkasuklam, at pagnanais na maghari sa kanyang puso. Ngunit sa dulo ng lahat, kanino nga ba tunay na kikiling ang kanyang damdamin—sa pagmamahal ng kanyang nakaraan, o sa bagong buhay na pilit bumabalot sa kanya?
Mafia
10475 viewsOngoing
Read
Add to library
Beautiful Mess

Beautiful Mess

“Tungkol sa proposal mo, tinatanggap ko na,” bulong ko na parang sikreto kahit na kaming dalawa lang naman ang nakakarinig. “Hmm?” Himig niya habang nginunguya ang natirang burger sa bibig. “Gawin na natin,” medyo malakas at may confidence na sabi ko. “Gawin ang ano?” Sabay lagok sa kaniyang drink. Dapat nagdahan-dahan ako kung alam ko lang na magugulat siya. Hindi sana ako nabasa nang mabuga niya ang drink niya. “Magsex tayo.” __________ Pagkatapos na ipamukha ng fiance kung gaano siya kainutil dahil walang experience sa sex, lumapit si Luntian sa isang tinatawag nilang "untouchable stripper" na si Reyna para turuan siya nito sa larangan ng sex. Sa gitna ng maiinit nilang lessons, mapipigil ba nila ang damdamin na hindi mahulog? Mapapanindigan ba ang kasunduang walang mahuhulog? Paano kung may epal pang ex-fiance na gustong bumalik? At paano kung aksidenteng nabutas ang condom?!
Romance
102.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Loving the Beast

Loving the Beast

Isang buwan pagkaraang mawala ang ina ni Abbey ay natagpuan niya ang sariling bumib'yahe patungo sa Wulfgrim para hanapin ang taong tinutukoy sa sulat na iniwan ng Mommy niya bago ito tuluyang pumanaw. While on her way to finding the truth, she then met Luc Deriston Montego. Ang lalaking napagkamalan niyang si San Pedro na tagabantay ng pintuan ng langit sa una nilang pagkikita. Sa pagtatagpo nila ni Luc, matagpuan din kaya ni Abbey ang hinahanap o mapapahamak siya sa kamay ng lalaki? Paano kung sa gitna ng panganib ay matagpuan niya ang sariling nakakulong sa mga bisig nito? At, paano kung kasabay ng pagtuklas niya sa bagong sibol na damdamin ay matuklasan din niyang malaki ang kaugnayan nito sa pinagmulan niya? Ano ang gagawin ni Abbey? Handa ba siyang sumugal sa ngalan ng pag-ibig?
Other
103.2K viewsOngoing
Read
Add to library
I Want Your Midnights

I Want Your Midnights

QueenVie
"I want your Midnights.." Iyon ang katagang narinig ni Chantal mula kay Kendric. Ang kahuli-hulihang lalaki na kahit kailangan ay hindi n'ya gugustuhin. Ang lalaki na hindi n'ya dapat mahalin. Ngunit paano n'ya maiiwasan ang maalab nitong mga halik, ang mainit niyang haplos at yakap na tila tumutupok sa kaniyang buong lakas at katinuan? Hanggang saan n'ya kayang pigilan ang damdamin na pilit na kumakawala sa kaniyang puso?Magagawa ba niyang iwasan ang lalaking nagpatibok ng kaniyang puso kahit pa mali. . .
Romance
3.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Married to My Best Friend’s Billionaire Dad

Married to My Best Friend’s Billionaire Dad

Isabela Ledesma never imagined her life would take such a scandalous turn. Bagong sugat sa puso, matapos iwan ng kanyang first love na si Marco Villamor, napilitan siyang sumama sa isang blind date— at sa gulat niya, nauwi ito sa kasal kay Rafael Santillan, ang ama ng kanyang matalik na kaibigang si Rita. Isang May-December marriage na plano lang sana para maibalik ang kanyang pride at matiyak ang kanyang kinabukasan, ay biglang naging laro ng tukso at pagnanasa. Si Rafael Santillan, isang kaakit-akit at karismatikong bilyonaryo, ay iba sa kanyang inaasahan. Sa likod ng kanyang matipuno at sophisticated na anyo, nakatago ang isang lalaking hindi takot sundan ang kanyang lihim na nagpapalito at nagpapakaba kay Isabela sa bawat sandali. Mula sa awkward na simula hanggang sa mga lihim na sulyap at tensyon sa kasal, bawat eksena ay nagtutulak kay Isabela na balansehin ang kanyang pride, puso, at kaligtasan sa mundo ng mayayamang elitista. Magpapatuloy ba silang manatiling nasa ilalim lang ng kontrata, o haharapin nila ang apoy ng pagnanasa at lihim na damdamin na magbabago sa kanilang buhay magpakailanman?
Romance
10110 viewsOngoing
Read
Add to library
อ้อมกอดซาตานเฝ้ารัก (ซีรีส์อ้อมกอด R&R 1/5)

อ้อมกอดซาตานเฝ้ารัก (ซีรีส์อ้อมกอด R&R 1/5)

ลำดับที่1 ของซีรีส์อ้อมกอด R&R แพททริกสัน...พี่ใหญ่ของตระกูลโรคาซานเดอร์ แอบหลงรักน้องสาวบุญธรรม แต่ทว่า...ความลับนั้นกลับถูกผู้เป็นมารดาล่วงรู้เข้า จึงถูกสั่งห้ามไม่ให้เข้าใกล้ จนกว่าพิมพลอยจะเรียนจบ มาร่วมลุ้นไปด้วยกันว่า...พี่ใหญ่จะสมหวังหรือไม่ ในอ้อมซาตานเฝ้ารัก
Read
Add to library
Starting Over Again With The Twin's Daddy

Starting Over Again With The Twin's Daddy

Para kay Josephine Thomas, ang arranged marriage niya kay Nicholas Herrera ay hindi isang sakripisyo kundi isang katuparan ng matagal na niyang pangarap. Mahal niya ito mula pa noon pa man. Kahit alam niyang isa lang siyang ampon at ginamit ng pamilya niya para sa negosyo, hindi siya nagreklamo. Kahit malamig si Nicholas at hindi siya minahal pabalik, tiniis niya ang sakit. Ngunit ang akala niyang magiging daan para mahalin siya ng asawa ay siya ring sumira sa kanya. Sa araw na balak niyang sabihin kay Nicholas na buntis siya, nakita niya ito sa ospital, kasama ang babaeng totoong minamahal nito. At sa harap ng mga mata niya, narinig niya ang pinaka-masakit na salita. “Magpapakasal na kami, Josephine. Magpa-file na ako ng divorce.” Gumuho ang mundo niya, pero hindi siya sumuko. Kahit delikado para sa puso niya, pinili niyang ituloy ang pagbubuntis. Hanggang sa isang araw, nawala siya sa buhay ni Nicholas… at hindi na muling lumingon. Apat na taon ang lumipas, at muling nagkrus ang mga landas nila. Sa pagkakataong ito, si Nicholas na ang humahabol. Puno ng pagsisisi, gustong bumawi. Pero may puwang pa ba siya sa puso ni Josephine? O huli na ang lahat para sa kanilang dalawa?
Romance
350 viewsOngoing
Read
Add to library
Lust In Love (Tagalog version)

Lust In Love (Tagalog version)

Latte
Nang makapagtapos si Charm ng kolehiyo sa England, bumalik agad siya ng Pilipinas para surpresahin ang kapatid na si Clara. Ngunit laking gulat niya nang matuklasan niyang apat na taon nang patay ang kanyang kapatid, at wala siyang ideya tungkol dito, at hindi rin ito ipinaalam sa kaniya ng mga kamag-anak nila. Kaya naman, nag-imbestiga siya tungkol sa nangyari sa kanya. Marami ang nagsasabi na ito ay nagpakamatay, ngunit naniniwala siya na hindi kailanman iisipin ni Clara na magpakamatay, at sa tingin niya ay kusa siyang pinatay. Hindi siya tumigil sa paghahanap at pagresolba sa krimen hanggang sa napagtanto niyang may tatlong lalaki na hinihinalang pumatay sa kanyang kapatid. Pero hindi lang sila ordinaryong tao na pwedeng lapitan at kausapin. Kaya, ang tanging naiisip niya ay ang pasukin ang kanilang misteryosong buhay. Plano niyang akitin ang tatlong lalaki na alamin ang katotohanan sa likod ng biglaang pagkamatay ng kanyang kapatid. Magtatagumpay kaya siya sa kanyang mga plano kung malalaman niya kung gaano kadelikado ang mga taong haharapin niya, o magagawa ba niyang itago ang tunay niyang pagkatao nang hindi nahuhuli ng mga ito?
Romance
6.6K viewsOngoing
Read
Add to library
Castillion Brothers Series 7: Seventh Castillion

Castillion Brothers Series 7: Seventh Castillion

Mariecris Bayubay, isang probinsyanang naging biktima ng karahasan sa syudad. Namuhay sa apat na sulok ng madilim na silid. Walang karamay. Walang masasandalan. Nag-iisa. Walang kamag-anak. Wasak. Bigo. Nabuhay sa takot at pagpapakamatay. Halos mawala siya sa sariling katinuan hanggang sa mapadpad siya sa puder ng isang napakayamang lalaki at magaling na psychiatrist na nagngangalang Seven Castillion, isang binatang bigo sa pag-ibig dahil ang unang babaeng minahal niya ay siya na ngayong asawa ng kanyang nakakatandang kapatid. Nagparaya siya kahit sobrang sakit na pakawalan ito. Hinding hindi na niya nakikita ang sariling magmamahal ulit dahil kahit na may sarili ng pamilya ang babaeng unang minahal ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Ang binata ang nagbihis at nag-alaga kay Mariecris sa mga panahong gusto na niyang sumuko. Dahil sa kabutihan nito ay hindi niya namalayang nahuhulog na siya, pero anong mapapala ng pagmamahal niya para dito kung may ibang tinitibok ang puso nito? Siya nga ba ang unang babaeng babali sa tadhana ng mga Castillion? Siya nga ba ang unang babaeng magsasabing hindi totoo ang paniniwala ng mga ito na kung sino ang unang minahal ay siya ang huli? O dahil sa pag-ibig niya sa binata ay mas lalo siyang mawawasak at muling nanaisin na mamatay nalang?
Romance
1016.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return

Mommy, Where Is Daddy? The Forsaken Daughter's Return

Nabuntis si Samantha Davis at wala siyang alam tungkol sa lalakeng nakabuntis sa kanya. Matapos siyang itakwil ng kanyang ama, nilisan niya ang lungsod para magsimula muli. Pinalaki niya mag-isa ang mga anak niya, nagsumikap at nalampasan ang hirap. Lingid sa kanyang kaalaman, hinahanap ng kambal niyang mga anak ang tunay nilang ama at hindi sila pipili ng iba! Sa edad na tatlong taong gulang, nagtanong ang mga anak niya, “Mama, nasaan si Dada?” “Ano… nasa malayo si Dada.” Ito ang pinakamadaling paraang para kay Samantha na ipaliwanag sa kanyang mga anak ang dahilan kung bakit wala ang ama nila. Sa edad na apat na taong gulang, nagtanong sila muli. “Mommy, nasaan si Daddy?” “Ano… nagtatrabaho siya sa Braeton City.” Pinili muli ni Samantha na magpalusot. Napagtanto niya na sasagutin din niya balang araw ang tanong ng mga anak niya tungkol sa kawalan nila ng ama at napagdesisyunan na oras na para sabihin ang totoo. Pero, isang araw, lumapit ang mga anak niya sa kanya habang kita ang kinang sa kanilang mga mata, “Mommy, nahanap na namin si Daddy!” Nakatayo sa harapan niya ay isang bloke ng yelo, si Mr. Ethan Wright, ang pinakamakapangyarihang businessman sa lungsod.
Romance
10138.8K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
4445464748
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status