My Wife's Tears
Pero hindi kay Haze nakatutok ang atensyon niya kundi kay Zafrael, na kasalukuyang nagluluto kasama ang isa sa team ko, si Andrey.
“Princess Aurora, ngingiti na ’yan!” Muli kong nilingon si Haze. Nakasuot siya ng malaking hairband na may tainga ng pusa, at parang lalo pa niyang pinapansin si Aurora.
“Haze, go away. Huwag kang magulo,” malamig na sambit ni Aurora.
“Ngumiti ka muna!” parang batang pagmamaktol nito, halos magpadyak na siya sa sahig.