Under My Father In-Law's Touch
Si Baby Aurora, na ngayon ay nakaupo sa kaniyang playpen sa sala, iwinawagayway ang kaniyang maliit na kamay habang may hawak na laruan.
"Hi, Princess!" Lumapit ako sa playpen para buhatin siya at mabilis na nasinghot ang mabango at matabang leeg niya. "Namiss mo ba si Tito? Ang bango-bango naman ng baby na 'to."
"Tito... t-to!" bulol na hagikhik niya habang nakakapit sa polo ko.
"Kairo, magpalit ka muna ng damit bago mo kargahin si Aurora. Galing ka sa labas," paalala ni Ate Faith habang papalabas ng kusina, may hawak na ulam para sa hapunan.