Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Married with a Stranger

Married with a Stranger

Walang nagawa si Ada nang pumayag ang kaniyang ama na ipakasal sa lalaking hindi kilala. Ang alam lang niya 'tungkol sa kaniyang magiging asawa ay isang bilyonaryo, matagumpay sa pagpapatakbo ng negosyo at nag-iisang anak ng isang kilalang business tycoon. Natapos ang paghahanda para sa kasal, na hindi man lang nagpakita ang mapapangasawa at nagpakilala ng pormal sa kaniya. Sa araw at sa mismong kasal ay nakilala niya ito subalit laking gulat ni Ada, na si Nik pala ang taong iyon. Ang taong nagligta kay Ada nang may magtatangkang gumahasa sa kaniya sa party ng kaibigan at sa lalaking nakasama ng isang gabi sa pagbabakasyon sa La Union. Pero ang Nik na ngayong naging asawa ay ibang-iba sa nakilala at ang tingin nito sa kaniya ay isang babaeng kayamanan lang ang habol kaya nagpakasal dito. Matapos ang unang gabi ng pagiging mag-asawa nila ay iniwan na siya nito kinabukasan at isang taon ang nakalipas ay uuwi na ito subalit para makipaghiwalay sa kaniya. Hindi sila maaring maghiwalay ni Nik dahil magagalit ang Papa niya sa kaniya at kailangan nila si Nik upang iligtas ang palubog na nilang negosyo. Kahit ayaw niyang maging tama ang paningin ni Nik sa kaniya ay kailangan niyang iligtas ang negosyo para sa amang minamahal.
1011.8K viewsOngoingAdded to Library 378 Times as banghay sa rihawani
Read
+Library
His Criminal Heart

His Criminal Heart

Pxnxx
Justice and revenge. Iyon lang ang nasa isip ni Alexandria hanggang sa tumuntong siya sa edad na bente-sais. Desi-otso anyos siya nang magulantang siya sa kaniyang nasaksihan sa mismong tahanan nila. Pinatay ang Mommy at Daddy niya habang ang kaniyang kapatid naman na babae ay walang sawang inangkin at binaboy. Dahil sa kagustuhang maipaghiganti ang pamilya. Nakilala niya si Raul. Ang dahilan ng unti-unting paglimot niya sa nakaraan. Ang lalaking nagpagulo sa natutulog niyang puso. Pero bato naman pagdating sa salitang pagmamahal. Isang bagay ang nalaman niya tungkol sa binata. Isang bagay na naging dahilan para muling sumibol ang galit, poot, at pagkamuhi sa kaniyang puso.
105.4K viewsCompletedAdded to Library 211 Times as banghay sa rihawani
Read
+Library
The Unforgettable Night With You

The Unforgettable Night With You

YlatheDreamer
Wala sa bokabularyo ng isang Clement Kit ang pagpapakasal, kahit nga ang salitang "commitment" ay hindi sumagi sa isipan niya. Everyone calls him a playboy, but not for so long dahil nakatakda na siyang ikasal. Natagpuan niya na lang ang sarili sa isang bar bago ang araw ng kaniyang kasal. Sa hindi malamang dahilan ay naagaw ng isang babaeng nakatayo sa entablado ang kaniyang pansin. Sa kabilang banda, nakatayo si Fauvine Lavar sa isang entablado. Sa dami ng taong naroon ay humihiling siya na sana ay may tumulong sa kaniya. Kaya laking gulat na lang niya ng may lalaking humila sa kaniya at inalalayan siya pababa. Nauwi sila sa isang mainit na gabi. Isang gabing kapwa hindi nila malimutan. Kapwa tumatak sa isip ng bawat isa pero tumatak din kaya sa puso ng bawat isa? Ngunit paano si Fauvine kung nakatakda na ikasal si Clement?
3.9K viewsOngoingAdded to Library 113 Times as banghay sa rihawani
Read
+Library
Craving For Love

Craving For Love

Sa mundong ang nagpapaikot ay pera, ang tingin ni Samara Licaforte sa mga mahihirap ay laruan lang ng mayayaman. Bagama't hindi legal na anak sa mata ng batas ng business tycoon na si Mr. Frederick Licaforte, CEO ng Licaforte Corp, ay lumaki sa luho si Samara at hindi makakailang siya ang paboritong anak sa pagitan nila ng stepsister niyang Monica. Happy-go-lucky, bully at eskandalosa. Ganyan siya kung ilarawan ng karamihan dahil sa mga ginagawa niyang kalokohan para lang mapanatili ang popularidad niya. Dahil wala na ang kanyang ina, at sa tingin niya ay nakikihati lang siya sa pagmamahal at oras ng kanyang ama mula sa legal nitong pamilya, ay sa atensyon ng ibang tao niya hinanap ang halaga niya. Sa pag-aakalang mananatiling ganun lang si Samara, ay kumatok sa buhay niya ang pobreng bulag na si Marco Villaflor, ang lalaking unti-unting titibag sa mga paniniwala niya.
1014.0K viewsOngoingAdded to Library 533 Times as banghay sa rihawani
Read
+Library
Ang Inosenteng Maid ni Lord Master

Ang Inosenteng Maid ni Lord Master

“Katulong sa umaga, parausan sa gabi. Iyan ang naging trabaho ko sa mansyon ni Ymilio. Gawain sa bahay ang inaatupag ko tuwing umaga, at sa pagsapit ng gabi ay siya naman ang pagsisilbihan ko sa kama. Halimaw siya sa paningin ko. Halimaw sa kama. At sinong mag-aakala na ang halimaw na ito ay unti-unti kong mapapaamo? Na ang dating kinatatakutan sa buong probinsya ay unti-unti nang lumalambot?
106.5K viewsOngoingAdded to Library 219 Times as banghay sa rihawani
Read
+Library
The Ceo's Blind Wife

The Ceo's Blind Wife

Dahil sa aksidente namatay ang kanyang ama, kasabay din noon ang pagkawala ng liwanag sa kanyang mga mata. Nabuhay siya sa dilim at sa pagmamaltrato ng kinilalang pamilya. Ngunit dahil sa hindi inaasahang pagkakataon nakilala niya ang isang lalaki na nagbigay liwanag sa madilim niyang mundo at bakod sa mapanakit na lipunan. Nanaisin pa ba niyang makakita o, mananatili na lamang siya sa kadiliman gayun ang lalaking natutunan niyang mahalin ay may tinatago pa lang sikreto sa kanyang nakaraan? Handa ba siyang palayain ang taong pinakamamahal para sa ikaliligaya nito kahit na ang kapalit noon ay ikawawasak niya.
1024.4K viewsCompletedAdded to Library 708 Times as banghay sa rihawani
Read
+Library
BOOK 2: Maid For You Too

BOOK 2: Maid For You Too

Si Anna Alejandra ay isang ulirang anak na walang ibang hiling kundi ang mai-angat sa laylayan ang pamilyang siya lang ang inaasahan. Isang probinsyanang nakipagsapalaran sa siyudad para tugunan ang pangangailangan ng mga kapatid. Namasukang kasambahay sa pamilyang Martinez, at nakilala ang isang binatang babago sa kapalaran nya, si Javier Martinez. Kontento na si Anna sa panakaw tingin nya sa binata noong una, ngunit habang tumatagal ay humihiling sya nang higit pa. Nangyari naman ito nang maging malapit sila sa isa't isa, at naging magkaibigan hanggang sa nagkagustuhan. Subalit sa halip na mauwi sa happily ever after, isang bangungot ang kaniyang naranasan.
102.0K viewsOngoingAdded to Library 58 Times as banghay sa rihawani
Read
+Library
Loving You Is A Mistake

Loving You Is A Mistake

Wala nang mas sasakit pa sa nalaman ni Erin na mayroong iba ang boyfriend niya. Para makalimot ay nagtungo siya sa Maynila, nagtrabaho sa bar hanggang sa nakilala ang lalaking inakalang mag-aahon sa kaniya sa kabiguan. Ngunit, nalaman niyang ginawa lamang siya nitong panakip-butas. Bumalik siya sa bayang kinagisnang luhaan, at doon nalamang nagbunga ang pakikipagrelasyon niya sa lalaking nakasama. Dapat ba niyang ipaalam ang kalagayan kay Tyler gayung masaya na ito sa piling ng dating asawa?
105.5K viewsOngoingAdded to Library 120 Times as banghay sa rihawani
Read
+Library
Abducted By My Father's Enemy

Abducted By My Father's Enemy

Halos pagsakluban ng langit si Ambria nang malaman niyang namatay sa brutal na paraan ang kanyang ama. Ngunit sa kabila ng bilin sa kanya ng kanyang ama na huwag uuwi ng Pilipinas ay hindi niya sinunod ito at umuwi siya upang ipagluksa ang pinakamamahal niyang ama. Ngunit nang pabalik na siya sa Europe upang ituloy ang kanyang Buhay ay hinarang ang kotseng sinasakyan niya patungong airport. Kinidnap siya ng armadong mga lalaki at ikinulong sa madilim na kuwarto. Hindi siya nakaramdam ng takot dahil alam niya ang kanyang kapalaran sa kamay ng mga kumidnap sa kanya at hinanda na niya ang kanyang sarili na mamatay at sumunod sa kanyang mga magulang. Ngunit paano kung hindi kamatayan kundi kasal sa Isang estranghero ang i-alok sa kanya upang makalaya? Papayag ka siya sa kasunduan? O papayag siya upang mahanap at makapaghiganti sa taong tumapos sa Buhay ng kanyang natitirang magulang?
103.3K viewsOngoingAdded to Library 73 Times as banghay sa rihawani
Read
+Library
My Nerd Wife Felicie

My Nerd Wife Felicie

Si Calex Saavedra ay isang binatang mula sa kilalang angkan—mayaman, makapangyarihan, at ubod ng guwapo. Ngunit higit sa lahat, siya ay kilala sa pagiging loko-loko at babaero. Wala siyang siniseryosong babae; para sa kanya, ang babae ay parang damit—isuot kapag gusto, palitan kapag nagsawa. Ngunit isang kasunduan ang biglang nagpabago sa takbo ng kanyang buhay. Dahil sa kagipitan, napilitang tanggapin ng isang simpleng probinsyana ang alok na magpakasal kay Calex. Si Felicie Garcia—tahimik, nerd, at walang muwang sa magulong mundo ng lipunan ay naging asawa ng lalaking ni sa panaginip ay hindi niya naisipang mapapalapit sa kanya. Isang kasal na may hangganan. Isang kasunduang magwawakas sa diborsyo makalipas ang dalawang taon. Ngunit habang magkasama sa iisang bubong, unti-unting nagbabago si Calex. At si Felicie, na sa simula’y galit at takot lang ang nararamdaman, ay hindi inaasahang matutong umibig. Mabubura kaya ng pag-ibig ang dating pagkatao ni Calex? O isa lamang si Felicie sa mga babaeng masasaktan sa kamay ng isang tulad niyang sanay sa laro?
1016.2K viewsCompletedAdded to Library 323 Times as banghay sa rihawani
Read
+Library
PREV
1
...
1011121314
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status