Status: Enemies with Benefits
“Wala naman sigurong masama kung susubukan mo, right? Sinabi mo naman na maayos ang pakitungo niya sayo kahit na masungit ka sa kanya kapag kayong dalawa lang.
“Naisip ko na rin yan. Kaya lang, bago pa lang akong nagsisimula. Malabong mangyari na bigyan niya ako ng salary loan.”
“Paano kung sa kanya ka mismo manghiram?”
“Ano? Naku, lalong hindi papayag ‘yon! Baka mas magkatotoo pa ang salary loan ko dahil company policy naman kaysa sa personal siyang magpautang sa akin,” mabilis kong tugon.
“So, ano na ang balak mo?” Muli, bakas ang pag-aalala sa tinig niya.
Sa tuwing mag-uusap kami sa gabi, voice or chat, palagi kong nararamdaman yung care, understanding and love. She's truly a good friend
Sikat na Kabanata