Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Zillionaire's Hidden Child Is A Model

The Zillionaire's Hidden Child Is A Model

One drunken night led Leila Valderama to marry the love of her life Beau Valencia. But Beau didn’t feel the same. After what happened he despised her. Ngunit sa kabila no’n ay pinakasalan siya nito hindi dahil sa pagmamahal kun’di para isalba ang negosyo ng pamilya nito na nasa bingit ng pagkalugi. Sa kabila ng mga hindi pagkakaintindihan at pagkakaiba nila ni Beau ay pinili niyang maniwala na maaayos rin ang pagsasama nila nito. Pero sa kasamaang palad ay hindi pala kayang turuan ang puso… Sa loob ng pitong taon ay tiniis ni Leila ang harap-harapang pagpapakilala sa kanya ni Beau ng ibang babae. Maging ang kawalan nito ng pakialam sa nararamdaman niya ay nagawa niyang tiisin. Pero ang lahat pala ay may hangganan dahil isang araw ay nagising na lang siya at naisip niyang wala ng ibang paraan para maisalba pa ang pagsasama nila. Ang tanging solusyon na lang ay ang sumuko. Ibinagsak ni Leila ang envelope na naglalaman ng divorce papers nila pagkatapos ay isinama ang anak niya para magpakalayo-layo. Desidido siyang baguhin at ayusin ang buhay nila. Sa loob lamang ng isang taon ay umangat ang buhay niya. Isang araw ay nakarating ang balita kay Beau. Nakatitig siya sa kopya ng papeles na ibinigay sa kanya ng kanyang tauhan—ang dati niyang asawa ay nangunguna na sa artificial intelligence industry—at ang mas nakakagulat ay nakita niya sa unang pagkakataon ang anak niya na isang sikat na child model.
Romance
10180 viewsOngoing
Read
Add to library
Kidnapped By My Possessive Husband

Kidnapped By My Possessive Husband

"I'll stop running away, Jago! Promise, hindi na ako tatakas!" Pagmamakaawa ko sa asawa or soon-to-be ex-husband ko kapag nakatakas ako rito. Pinilit kong makatayo sa pagkakahiga pero hindi ko kaya dahil nakagapos ang kamay ko sa headboard. "You already told me that earlier and yet, you still tried to run away from me... Hindi na gagana sa'kin 'yan..." Madilim ang ekspresyong sagot nito. Lumapit ito kaya naman napapikit ako. Naramdaman ko ang pagsikip ng tali sa kamay ko kaya napadilat ako. "Promise, totoo na talaga 'to! Tanggalin mo na yung tali, please? Natatakot na ako sa'yo!" Kinakabahang usal ko kay Jago pero hindi ito sumagot. Pumatong ito sa'kin at malambing na sinapo ang mukha ko. Impit akong napaung*l nang marahan nitong halikan ang aking leeg. Alam nito kung paano ako kunin dahil kaagad nanghina ang katawan ko sa ginawa nito. "Uhm, Jago! Please!" Hiyaw ko sa pangalan nito nang magsimulang maglandas ang kamay nito sa katawan ko. "I'll make you love me again. You're mine, Isla. You're only f*cking mine..." *********** Matapos ang pagtatalo ng mag-asawang sina Jago River Laxamana at Allona Isla Avellino ay inihagis ni Isla ang wedding ring niya kay Jago upang mapagtanto nitong seryoso siya sa kagustuhan niyang makipaghiwalay. Matapos gawin iyon ay nanakbo ito paalis sa bahay nilang mag-asawa. Nasa bingit na talaga sila ng hiwalayan dahil sa pagkawala ng sana'y panganay nilang anak. Walang araw na hindi nagbabangayan ang mga ito kaya hindi maayos ang kanilang relasyon. Kinidnap ni Jago si Isla. Nang magising ito ay mahimbing ang pagkakatulog ni Jago sa tabi niya. Napagtanto nitong nasa island sila kaya nagpatuloy ang bangayan nila at nagtangkang tumakas si Isla mula kay Jago. Makakatakas kaya si Isla sa asawa niyang si Jago? O magtatagumpay itong muling kuhanin ang kaniyang puso at angkinin siya?
Romance
10390 viewsOngoing
Read
Add to library
Behind Her Chalk : The Mafia's True Face of Zhaine

Behind Her Chalk : The Mafia's True Face of Zhaine

Si Jhai ay ang pinuno ng isang lihim na samahan na tinatawag na Lion Warrior, isang grupo na nagtutuwid ng mga maling katarungan. Maaga siyang naulila matapos mapatay ang kanyang mga magulang sa isang madugong insidente. Bitbit ang pangakong tutuparin ang pangarap ng mga ito, pinili niyang maging high school teacher. Upang mapanatili ang kanyang lihim na pagkakakilanlan, nagpakilala siya bilang si Zhaine, isang weird at old-fashioned na guro. Sa hindi inaasahan, siya ang itinalagang class adviser ng section 12-D—isang klase ng mga outcasts, pasaway, at mga estudyanteng tila wala nang pangarap sa buhay. Isa sa mga estudyante ay si Kenn Singson, anak ng school director. Masungit, matalino, at mailap—katulad ni Zhaine pagdating sa mga taong mahal nila. Bagama’t malamig at puno ng tensyon ang kanilang unang pagkikita, unti-unting nahulog ang loob ni Kenn sa kanyang adviser. At sa pagdaan ng panahon, kahit labag sa patakaran ng paaralan at sa sariling prinsipyo, natutunan ding ibigin ni Zhaine ang binata. Ngunit sa gitna ng unti-unting namumuong pag-ibig, patuloy pa rin ang misyon ni Jhai para makamit ang hustisya para sa kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw, natuklasan niya ang isang nakakagulat na katotohanan: ang taong pumatay sa kanyang ama ay walang iba kundi ang kanyang bagong kaibigan—isang private police inspector na lingid sa lahat ay may itinatagong lihim bilang kalaban ng Lion Warrior. Gumuho ang mundo ni Jhai. Ang paghahangad ng hustisya, sa pagkamatay ng kanyang magulang ang-siyang nagdulot sa kanya, upang siya'y mapahamak at mag-agaw buhay. Makakaligtas kaya si Zhaine sa bingit ng kamatayan? Isusuko ba niya ang Lion Warrior sa kanyang kaaway? handa ba nyang tanggapin ang alok ni Blue magpakasal kapalit ng kaniyang kaligtasan? At paano haharapin ni Kenn ang sakit ng mawalan ng babaeng unang nagturo sa kanyang magmahal—sa paraang kailanma’y hindi niya malilimutan?
Mafia
9.7575 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
123
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status