Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Chubby Romance

My Chubby Romance

bleu_ancho15
Walang ibang gusto si Becky kundi ang makarating ng ibang bansa lalong lalo na sa Amerika. Simula ng bata pa siya at makabasa siya ng tungkol sa mga Pilipinong nag a-abroad at gumanda ang buhay kaya siya nag umpisang mangarap. Kaya naman ng magkaroon siya ng chatmate na Kano na nagpapahiwatig sa kanyang gusto siya nito ay dun siya nabuhayan ng dugo na mangarap ulit. Lalo na ng magsabi itong handa daw itong puntahan siya sa Pilipinas para makipagkilala at personal siyang ligawan. Maayos na sana ang lahat maliban lamang sa isang problema: buong akala ng Kano ay seksi siya. Kung noong bata pa siya ay chubby na siya ay mas dumoble pa ata ang pagtaba niya ngayong nagdalaga na siya. Isa ito sa dahilan kung bakit lagi siyang inaasar na mataba ng kapitbahay niya mula pagkabatang si Brix; na siya namang nag-alok sa kanya na tutulungan daw siyang magpapayat kapalit ng pagiging modelo ng gym na pag-aari niya. Galit man siya dito ay pumayag na rin siya alang alang sa pangarap niyang makarating sa Amerika. Kasabay ng pagpapapayat niya ay ang unti-unting pagkawala ng galit niya kay Brix. Ang puso niyang dati'y nababalutan ng kolesterol ay nagsisimula ng tumibok para sa binatang wala ng ibang ginawa noon kundi asarin siya. Mababago kaya nito ang matagal na pangarap niyang makapunta ng ibang bansa?
Romance
2.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Psycho Secrets

Psycho Secrets

Tanya Sanchez, isa siyang nurse sa ospital ng mga baliw. Devin Ferrer, isang pasyente ng hospital na may kakayahang makita ang kamatayan ng mga tao sa ospital na iyon. Ilang buhay ang masasawi? Sino ang salarin? Posible bang mahulog ang loob ng nurse sa kanyang pasyente? Samahan ang dalawa sa paglutas ng misteryo ng katakot-takot na ospital.
Paranormal
102.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Seducing My Hot Tycoon Stepbrother

Seducing My Hot Tycoon Stepbrother

Gabriella Castillo, isang 24 years old adopted child ng mayamang pamilya Castillo ang may lihim na pagtingin sa kaniyang Kuya Francis—ang Hot Tycoon ng bansa. Nang tuluyang malunod sa ipinagbabawal na pag-ibig sa gwapo at matipunong kapatid. Maipaglaban niya pa kaya ang kaniyang nararamdaman kapag nahuli na sila ng inang nagbigay sa kaniya ng panibagong buhay at pangalan? Tuluyan na bang mawawasak ang relasyon niya sa pamilya? Ano ang kaniyang pipiliin? Ang ayusin ang buhay at kalimutan ang lahat ng namamagitan sa kanila ng lalaking nagpapatibok ng kaniyang puso o sundin ang sinisigaw ng kaniyang damdamin?
Romance
10914 viewsOngoing
Read
Add to library
Pacifying my Undercover Billionaire Husband

Pacifying my Undercover Billionaire Husband

Khloe
Isang aksidente ang nagpabago ng lahat. Nawalan ng dalawang buhay. At hindi ito hahayaang mangyari muli ni Ricardo Ford Buenavista, isang makapangyarihan at intelihenteng bilyonaryo. Kung ang aksidente sa kanilang mga pamilya ay bunga ng paghihiganti, ang tanging hiling ng kanyang mga kamay ay ang paghihiganti rin. Ngunit, paano niya ito magagawa kung siya ay nakatali sa isang babae, si Victorina Khae Robles? Magiging hadlang ba ito sa kanyang misyon? Sa gitna ng pag-aalsa ng damdamin at galit, pipiliin ba niyang sumunod sa landas ng katarungan, o matutunton niya ang landas ng pag-ibig at kapatawaran?
Romance
10917 viewsOngoing
Read
Add to library
The First Daughter's Bodyguard

The First Daughter's Bodyguard

Si Irish ang kaisa-isang anak ng Presidente ng Pilipinas. Maganda, sopistikada, matalino ngunit nagrerebelde sa kanyang mga magulang. Upang tumino, pinadala siya ng kanyang ama sa isang immersion sa pangangalaga ng pinagkakatiwalaang gwapo at matipunong si Daniel na isang PSG/ Bodyguard. Kapwa may kasintahan sina Irish at Daniel ngunit sa liblib na lugar na iyon, nabuo ang hindi inaasahang pagtitinginan ng dalawa. Paano nila ipaglalaban ang kanilang lihim na pagmamahalan sa kani-kanilang mga karelasyon at sa Pangulo ng Pilipinas? Paano napabago ng isang simpleng bodyguard ang isang tigre sa kasungitang anak ng Presidente?
Romance
1013.9K viewsCompleted
Read
Add to library
One night with Mr.CEO

One night with Mr.CEO

Magpapanggap si Gwen bilang ina ng kambal na anak ni Elijah Smith, ang CEO na kinakatakutan ng marami. Malaking katanungan kay Gwen kung bakit niya kamuka ang nobya ng kaniyang boss. Isama mo pa na naaalala niya ang anak niyang hindi manlang nasilayan ng siya'y manganak dahil ibineta ito ng tiya sa hindi kilalang tao. Ano nga ba ang dahilan kung bakit kamuka niya ang ina ng kambal at kung bakit sobrang gaan ng loob niya sa mga ito?
Romance
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
LOVE BEYOND TRADE

LOVE BEYOND TRADE

Baon sa utang at lulong sa casino, ang desisyon ng kanyang ama ay ipagpalit ang kanyang nakababatang kapatid na babae para sa isang contract marriage sa anak ng pinuno ng kanyang pinag-utangan. At upang mailigtas ang kanyang nakababatang kapatid na babae, napilitan si Claire Mariano na palitan ang posisyon ng kanyang kapatid at pakasalan ang susunod na lider ng pamilya ng mga Navarro, si Javier Zen Navarro. Ngunit paano kung higit sa malaking halaga ng pera ang puno’t dulo ng kontrata na ito? Paano kung sa likod nito ay isang sikreto ang nag-uugnay sa mga Mariano at Navarro? Magagawa kaya ng kontrata na pag-ugnayin ang dalawang pusong sangkot sa madilim na katotohanan? O’ ito ang magsisilbing mitsa sa isang malaking gulo sa pagitan ng kanilang pamilya?
Romance
9.97.0K viewsOngoing
Read
Add to library
In My Stepbrother’s Bed

In My Stepbrother’s Bed

Nang mamatay ang ama ni Isabelle “Bela” ay naging independent na ito. Siya na ang mag isang nagpatakbo sa restaurant na iniwan ng kaniyang ama. Tatlong taon na tahimik ang buhay ni Bela ng tawagan siya ng ina niyang matagal na silang iniwan mag ama at sumama sa ibang lalaki. Tumawag ito upang humiling na gusto niyang makasama si Bela bago ito tuluyang maikasal sa lalaking naging dahilan ng pagkasira ng pamilya nila. Pumayag si Bela dahil nangako itong matapos ang kasal ay hindi na siya guguluhin ng Ina niya, pero tila napaglaruan ng tadhana si Bela, dahil makikita niya ang lalaking minsan nagbigay ng ligaya sakaniya kahit isang gabi lang, si Keiran na anak pala ng mapapangasawa ng mama niya. Tatanggapin nalang ba nila na magiging magkapatid na sila? o magpapalamon nalang sa tawag ng laman at pagnanasa nila sa bawat isa.
Romance
101.4K viewsOngoing
Read
Add to library
ASHLEY MONTALCO

ASHLEY MONTALCO

Itinakwil si rena habang ipinagbubuntis nito ang kanyang magiging anak at tagapagmana ng mga Montalco.Ngunit hindi tanggap iyon ng ina ni harjie,at sa kasamaang palad ay mama's boy Ang napangasawa ni rena,kung kaya't lahat ng naisin o kagustuhan ng kanyang ina ay kanyang sinusunod.Ang nais ng Donya ay si Rhiana ang kanyang mapangasawa sa pag-aakalang kapantay nila ito ng estado sa buhay.Paano kung makaharap ng donya ang tunay niyang apo pero hindi niya iyon binigyan ng pansin. At darating ang fake na apo sa mansyon ng mga Montalco at magpapakilalang siya ang tunay na anak ni Harjie Montalco.At malalaman nalang ng Donya na hindi pala siya ang tunay na apo at siya rin ang dahilan nang pagiging lumpo ng donya.Paano tutuklasin ni ashley ang buo niyang pagkatao,kung ang sarili niyang ina ay ayaw narin niyang ipaalam ito sa kanya.
Romance
1013.2K viewsCompleted
Read
Add to library
The Run Away Fiancee.

The Run Away Fiancee.

Isang mapagmahal at mabuting asawa si Dave Justin Alarcon at malapit na sana siyang maging ama nang sa hindi inaasahang pangyayare ay nabaril ang kanyang asawa sa isang bank robbery na ikinamatay nito. Nabiyudo ng maaga at nawalan ng direksyon ang buhay ni Dave. Isang dalagang guro si Leslie Hidalgo na nakatira sa maynila, Kinailangan niyang umuwe ng probinsya sa pakiusap ng mga magulang ng kanyang ina. Sa pagbalik niya ng probinsya ay nalaman niyang nagawa siyang ipagkasundo ng kanyang abuelo sa apo ng isang mayamang angkan sa kanilang lugar, na pinagkakautangan ng malaki ng kanyang lolo Arturo. Labag man sa kanyang kalooban ay pumayag na rin siya sa kasunduan dahil nakasalalay ang kanilang koprahan, ganoon na rin ang bahay at lupa ng lolo't lola niya. Ngunit nakita niya agad ang masamang ugali ng lalaking kanyang pakakasalan, kaya bago dumating ang araw ng engagement party ay tumakas na si Leslie at bumalik ng maynila. Pinagtagpo ng tadhana ang kanilang landas ng mabundol ng kotseng minamaneho ni Dave si Leslie ng dahil sa kalasingan. Naging kargo niya ang babae dahil nagpanggap itong nawalan ng ala-ala upang mapagtaguan ang lalaking pakakasalan. Naawa ang ina ni Dave sa babae kaya kinupkop ito at inalagaan. Sa paglipas ng mga araw ay nahulog ang loob ni Dave sa babae ngunit pilit namang pinaglabanan nito ang nararamdaman. Paano kung malaman niya na ang babaeng kinupkop nila ay ikakasal na pala sa iba? May patutunguhan pa kaya ang nararamdaman ni Dave para sa dalagang tumakas sa napagkasunduang kasal? Ano kaya ang magiging reaksyon ni Dave kung mabatid niya na nagpapanggap lang na may amnesia ang babaeng muling nakapagpaibig sa kanya?
Romance
1015.1K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
1617181920
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status