Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

Sa mismong araw ng kanyang divorce, nagsuot si Dorothy Navarro ng pulang bestida—hindi para mang-akit, hindi para magpakitang okay siya, kundi para alalahanin ang minsang pagmamahalan na ngayo'y ganap nang nawala. Pagkatapos niyang talikuran ang isang sirang kasal ng walang halong drama, ang huli niyang inaasahan ay ang mapansin ng pinakanakamisteryosong CEO sa bansa—si Theodore Velasco. Tahimik. Mapanuri. Mapanganib sa mga taong humaharang sa daan niya. At tila may alam ito tungkol sa matagal nang tinataguang katotohanan: ang pagkamatay ng tiyahin ni Dorothy—isang kasong tinapos ng mundo bilang "suicide." Ngunit isang tawag lang, isang paper bag ng kape, at nahulog si Dorothy sa isang masalimuot na mundo ng lihim, kapangyarihan, at paghilom ng lumang sugat. Upang mabuhay sa bagong laban, kailangang mamili ni Dorothy: pagkatiwalaan ang lalaking walang emosyon ngunit may hawak ng katotohanan—o layuan ang tanging taong handang bigyan siya ng proteksyon, kalayaan, at isang bagong apelyido—Mrs. Velasco. Ngunit ang kasunduang kasal na ginawa para sa paghihiganti… ay baka mauwi sa totoong pagmamahal. Magtatagumpay ba si Dorothy bilang maging tagapagmanang pinagkait sa kanya noon? O ang pangalawang pagkakataon niya sa pag-ibig ang tuluyang magpapabagsak sa kanya?
Romance
10569 viewsOngoing
Read
Add to library
From Basurera to CEO'S Wife

From Basurera to CEO'S Wife

Si Lira Mendoza ay isang simpleng basurera na araw-araw lumalaban sa kahirapan para sa kanyang pamilya. Sanay siyang maliitin, tapakan ang dignidad, at ipaalala ng mundo kung saan siya nababagay… sa ilalim. Ngunit isang aksidente ang magbabago sa lahat nang matapunan niya ng basura ang isang mayabang at misteryosong lalaki na hindi niya alam ay isa palang makapangyarihang CEO. Si Nathaniel Cross, isang cold at elite na negosyante, ay sanay makuha ang lahat… pera, respeto, at babae. Ngunit iba si Lira. Hindi siya nagpapanggap, hindi siya humihingi ng awa, at kahit sugatan ang pride, buo pa rin ang tapang. Sa gitna ng isang marangyang villa party, muling nagtagpo ang kanilang mundo… at doon nagsimula ang isang masakit na banggaan ng uri, dignidad, at damdamin. Habang unti-unting nahuhulog ang loob ni Nathaniel sa babaeng galing sa mundo ng basura, lalong humihigpit ang hawak ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang ina, na may sariling plano para sa kanyang kinabukasan. Sa pagitan ng pang-aalipusta, lihim na kasunduan, at unti-unting pag-usbong ng pag-ibig, kakayanin ba ni Lira ang mundong hindi siya kailanman tinanggap? O mananatili siyang basurera sa paningin ng lahat… kahit sa lalaking handa nang ipaglaban siya?
Romance
10422 viewsOngoing
Read
Add to library
Instant Billionaire's Wife

Instant Billionaire's Wife

Nakipagsapalaran sa Maynila si Charlie para makahanap ng trabaho upang makatulong sa mga gastusin, masuportahan ang pag-aaral ng mga nakakabatang kapatid, at maibsan ang pinansyal na responsibilidad ng kanyang mga magulang. Ngunit sa kanyang paglilibot para mag-apply ng trabaho, isang puting van ang biglang huminto sa harapan niya, at agad siyang pinalibutan ng mga lalaki. May kung anong tumama sa batok niya, dahilan upang mawalan siya ng malay. Pagkagising niya, nasa loob na siya ng isang engrandeng kwarto at suot ang isang wedding gown. Ilang tao ang nasa paligid niya, abala sa pag-aayos sa kanya. Nang tanungin niya kung ano ang nangyayari, nagulantang siya sa nalaman— Ikakasal na siya!
Romance
695 viewsOngoing
Read
Add to library
The Ruthless Mayor

The Ruthless Mayor

Hope
Caleb Raixon Montemayor ay Mayor ng Sta Rosa at nasa ikalawang termino na siya nito. Kilala siya bilang isang suplado at masungit na Mayor ng bayan nila. Sa kabila ng ugaling pinapakita nito ay kinagigiliwan at minamahal pa rin siya ng mamamayan na sakop niya dahil kahit kailan ay hindi niya pinabayaan ang kanilang bayan. Mas pinagtibay pa ni Caleb ang bayan ng Sta Rosa, bukod pa roon ay marunong siyang makinig sa hinaing ng taong bayan sa kabila ng pag-uugali niya. Sa kabila nito ay napapatanong ang nasasakupan niya kung may babaeng magpapaamo sa suplado nilang Mayor? Hanggang dumating ang isang babaeng magpapabago sa ugali nito. Sierra Solaire Madrigal, ang sekretarya nito.
Romance
104.4K viewsOngoing
Read
Add to library
GUERRERO LEGACY 2:TRIGGER GUERRERO

GUERRERO LEGACY 2:TRIGGER GUERRERO

Bryll McTerr
Nang malagay sa binggit ng alanganin ang buhay ni Andrea Lucero dahil sa kagagawan ng asawa niyang si Stanley Redfern ay muling nagkrus ang landas nila ng guwapong doctor na si Trigger Guerrero. At para maprotektahan mula sa mga nagtatangka sa buhay niya ay dinala siya ng lalaki sa Quezon. Habang napapadalas ang pagkikita nila dahil nakatira siya sa beach house na pag-aari ng pamilya nito ay unti-unti ring natuklasan ni Andrea na sa paglipas ng mga taon ay gusto pa rin pala niya si Trigger. Pero paano kung matuklasan ni Trigger ang lihim ni Andrea? Makakaya pa rin kaya niyang tanggapin ang babae sa kabila ng lahat?
Romance
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Patikim, Ninang

Patikim, Ninang

Hindi akalain ni Reinna na isang kapirasong papel lang pala ang tatapos sa mahabang pagsasama nila ng kanyang asawa na si Jacob Salazar, sa loob ng 14 years of marriage. Dala ng sakit at pagkabigo dahil sa pagtataksil nito ay lumayo siya. Ngunit sa oras ng kanyang pagkabigo at kalungkutan ay dumating naman ang isang lalaki at tahasang umamin ng pagmamahal sa kanya. Si Z, ang binatang inaanak niya. Ano ang gagawin ni Rei, kung ang pag-ibig na inaalay nito sa kanya ay bawal? Ano ang paiiralin at susundin ni Reinna? Dikta ng isip niya na gawin ang dapat at tama o pagmamahal na sigaw ng puso niya para kay Z?
Romance
101.7K viewsOngoing
Read
Add to library
The Billionaire's Obsession (Tagalog)

The Billionaire's Obsession (Tagalog)

Mayaman. Maganda. Tinitingala ng lahat. Iyan ang kadalasan na maririnig sa tuwing binabanggit ang pangalan ng sikat na artistang si Rasheeqa Laurent. Perpekto na ang buhay niya kung tutuusin at hindi maipagkakailang hinahangaan siya ng karamihan dahil sa taglay niyang husay sa pag-arte. Sa kabila ng mala-perpekto niyang buhay, ano ang mangyayari kapag malaman ng publiko na may sekreto siyang anak? Paano niya mapapanatili ang kanyang reputasyon at kredibilidad gayong hindi niya kontrolado ang sasabihin ng iba? At higit sa lahat, paano niya ipapaliwanag sa ama ng kanyang anak na siya ang ama nito gayong simula't sapol, ang lalaki na mismo ang nagputol sa ugnayang meron sila?
Romance
9.6657.3K viewsCompleted
Show Reviews (68)
Read
Add to library
Mercy Santiago
Very interesting at mas nakain love ang bawat episodes. Hanggang sa huling episode nakakatrill. Thank you very much kahit medyo matagal basahin o mabagal ang mga free episodes nakaka thrill ang bawat episodes. May halong thrill at very loving ang mga bida sa sa bawat episodes. More power and tnx.
?abby??
i like this novel very much!!..it was a very very nice,good,lovely!!i don't know what to but i love this very much!!mahal kuta author ipagpatuloy mo ito author😊😊🌺🌺❤❤!!i can't believe na kahit sa mga bonus lang na u-unlock ko pa din ang mga chapters😊🌺❤mahal kita author😊😊❤🌺🌺❤❤
Read All Reviews
The Rival's Mistress

The Rival's Mistress

Dati niyang asawa, hindi lang siya tinalikuran—pinapatay pa. Sa isang gabi ng pagtataksil, muntik nang mamatay si Alina sa kamay ng mga tauhan ng lalaking minsan niyang minahal. Pero sa isang iglap, isang maling liko, at isang desperadong hakbang, napadpad siya sa sasakyan ng pinaka-ayaw ng ex niyang lalaki... si Damian Velasco, ang pinakamalupit na karibal sa negosyo. "Hirap ka bang magpasalamat, Mrs. Montenegro?" malademonyong bulong ng lalaki. "O gusto mong ipakita na lang sa ibang paraan?" Isang kasunduan ang binuo sa init ng gabi: ililigtas siya ni Damian, pero kapalit nito… magiging kanya siya. Sa kama. Sa piling niya. Hanggang sa tuluyan niyang makuha ang kanyang paghihiganti. Pero paano kung sa gitna ng pagkukunwari, may ibang apoy na mamagitan sa kanila? Isa bang laban ito… o isang bagong simula?
Romance
475 viewsOngoing
Read
Add to library
REVENGE OF INNOCENT WIVES

REVENGE OF INNOCENT WIVES

Ang inaakala ni Nadine Cruz na maginhawang buhay sa piling ni Jayson Saavedra ay isa palang bangungot. Isa lang pala siya sa apat na naging asawa ng bilyonaryong gwapo. Isa lang pala siya sa sasaktan, pahihirapan at pinaghihigantian nito dahil sa kasalan ng nauna nitong asawa sa kanya. Hindi niya kayang lumabang mag-isa. Kailangan niya ng tulong ng dalawa pang pinakasalan ng akala niya, solo niyang asawa. Ngunit ano nga ba ang magagawa nilang tatlong inosente? Kaya ba nilang pantayan ang lakas at kapangyarihan ng kanilang demonyong asawa?
Romance
1012.6K viewsCompleted
Read
Add to library
The Billionaire And The Island Girl

The Billionaire And The Island Girl

Si Kaelen Vireaux ay isang makapangyarihang bilyonaryo na kinatatakutan at hinahangaan sa mundo ng negosyo. Ngunit sa likod ng kanyang tagumpay ay ang mga taong lihim na naghihintay ng kanyang pagbagsak. Isang gabi, matapos siyang ipagkanulo ng sarili niyang mga kasosyo at tangkaing patayin, nawalan siya ng malay sa gitna ng dagat. Nagising siya sa isang liblib na isla—walang alaala kung sino siya, kung saan siya nanggaling, o kung bakit siya naroon. Ang tanging taong tumulong sa kanya ay si Aelira Bloom, isang tahimik na island girl na namumuhay nang simple sa gitna ng isang maliit na hardin ng mga gulay at halaman. Kilala siya sa sitio bilang kakaiba, dahil tila may malalim siyang koneksyon sa kalikasan. Sa kanyang mga kamay, ang mga halaman ay mabilis tumubo, at ang mga baging ay tila gumagalaw na parang sumusunod sa kanyang kagustuhan. Habang tinutulungan ni Aelira si Kaelen na makabangon at matutong mamuhay muli, unti-unting nabubuo ang isang malalim na ugnayan sa pagitan nila. Sa gitna ng katahimikan ng isla at ng simpleng buhay na natagpuan niya roon, dahan-dahang nahuhulog ang puso ni Kaelen sa babaeng nagligtas sa kanya. Ngunit ang nakaraan ay hindi madaling takasan. Kapag bumalik ang kanyang mga alaala, babalik din ang mga taong nagtangkang pumatay sa kanya mga taong handang sirain ang lahat para sa kapangyarihan at kayamanan. At kapag nalaman nila kung nasaan siya, hindi lamang si Kaelen ang magiging target… kundi pati na rin ang babaeng nagbigay sa kanya ng bagong buhay. Sa isang mundong puno ng pagtataksil at kasakiman, kaya ba nilang ipaglaban ang pag-ibig na umusbong sa isang tahimik na isla? O tuluyan itong mawawala, tulad ng mga lihim na tinatago ng dagat?
Romance
51 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status