Pangarap Kong Matikman Ka
Saktong tamang-tama dahil mukhang mas matamis pa ‘to sa umaga kong kasama siya.
Habang hinihintay ko siyang matapos magluto, napansin ko ang simpleng mga gamit sa bahay ni Akeno. Maliit lang ang espasyo pero napakaaliwalas, kasing aliwalas ng cute niyang mukha. Ang cute ng pagkakaayos—halatang hindi siya lango sa kalat, unlike some guys I know. Ayun, sa isip ko, this man’s got taste. At ayos rin ang playlist na tumutugtog, chill acoustic, sakto sa malamig na umaga na may kaunting patak pa ng ulan sa labas. Ang cute ng maliit niyang speaker. Feeling ko, kahit mag-isa lang siya sa buhay, masaya pa rin siya. Pero mas magiging masaya siguro siya kung ako ang makakatuluyan niya.
Sikat na Kabanata