DESIRES OF A WICKED MAN
Sa kabilang banda, dalawang lalaki ang naging anak nina Alaric at Maxine, sina Augustus Campbell Fontana at si Sylvester na hindi rin nakapag-asawa.
Samakatuwid, parang isang drama patungkol sa pag-ibig at estado sa buhay ang nangyari sa dalawang pamilya. Laging ang mga Dizon ang nanalo pagdating sa pag-ibig ngunit ang Fontana naman ang nananalo sa pera at negosyo. At ang mga babaeng anak sa magkabilang pamilya ay may masalimuot na tatlong sitwasyon lamang na maaring kahinatnan: maging isang madre, maging matandang dalaga, o mamatay sa sakit.
Ngunit ngayon, may pang-apat nang nadagdag: ang mabaon sa utang, tulad ng nangyayari sa kanila ngayon ng kakambal niyang si Richy Lou.
Bab Populer