Slave By My Stepfather
seryosong tono ni Mama na ikinakilabot ko, pag ganito kasi ito kaseryoso, alam kong grounded na naman ako nito, "pinuntahan ko na si Piyo at Sam pero wala karin sa kanila,"
Hindi ko alam ang sasabihin, napahawak na lang ako sa taenga ko, ganito kasi ako kapag kinakabahan, tenga ko ang pinagdidiskitahan ko na parang dito manggagaling ang sagot.
"Isa sa mga kaklase ko 'Ma," pagsisinungaling ko, "may group study kasi kami," palusot ko na sana makapasa.
Tinignan ako ni Mama mula ulo hanggang paa na parang nbi na ino-obserbahan ako. Mahigpit parin ang hawak niya sa walis tingting kaya may naisip akong idea.