Heart Knows (R-16) (Filipino)
Sinundan nila ako, at nang hindi na nila ako mahabol ay tumakbo ang isa sa kanila't hinablot ang aking buhok.
"Aray!" daing ko dahil sa sakit ng pagkaka-sabunot niya sa 'kin.
Kinaladkad niya ako na parang isang bagay, at iniharap sa babaeng lider nila, ang babaeng mais. Kasi naman, sa halip na blonde 'yong kulay ng buhok niya'y nangingintab ito sa kulay na dilaw. At ang pangit itong tingnan, wrong choice of colour lalo na't may kaitiman naman ang kutis nito. Eww! Jejemon nga. Proven and tested!