NINONG JONAS (FORBIDDEN PASSION SERIES)
“Sorry din sa nagawa ko, alam kong sobrang nasaktan kita pero… kahit kailan, hindi mo mapipilit ang pagmamahal, Paco.”
“Naiintindihan ko na ngayon, Sinta ko… sorry,” saad niya at hinalikan ako sa noo.
“Paco, alam kong wala ng ibang lalaking makahihigit sa pagmamahal na pinaranas mo sa akin pero pwede ba hayaan mo muna ako? masakit pa rin sa akin lahat ng nangyayari… hayaan mo munang i-proseso ko ‘to lahat sa utak ko. I'm injured, my family betrayed me and your love is suffocating. Ayoko ng ganito. Gusto ko kung magsisimula tayo ulit, yung maayos. Yung hindi natin nasasaktan yung isa’t-isa kaya nakikiusap ako sayo ngayon…”