One Year Contract with my Boss (SPG)
"However, given the new points raised by the defense, we will proceed with the next hearing for the presentation of more evidence."
Nanlumo ako sandali. Ibig sabihin, kailangan ko pang bumalik sa madilim at mabahong selda. Pero sa kabila niyon, nakita ko ang pagtango ni Attorney Lara Sanchez sa akin. Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya na parang sinasabi niyang, "Nagsisimula pa lang tayo." Kahit hindi ako nakalaya ngayon, naramdaman ko ang pag-asa. Sa unang pagkakataon, hindi ako nagmukhang kawawang biktima na wala nang laban. Ang mga banat ni Attorney Lara kanina ay sapat na para mag-isip ang lahat ng tao sa loob ng silid na ito.
Hot Chapters