Kakaibang Init (SPG)
Naghanap pa talaga ng kakampi si mama.
“Madella, kasalanan mo ang lahat. Tahimik lang ako, pero alam ko ang lahat nang ginagawa mo at pinapagawa mo sa anak nating kaawa-awa. Matagal na akong nagtitimpi. Hinahayaan lang kita kasi alam kong sa huli, ikaw ang mas babagsak sa lupa. Ngayong nakita ko na ang ending nito, hindi na ako mananahimik. Tigilan mo na ang paggawa ng mga scene na ikakasira pa lalo ng sarili mo. Huwag mo kaming idamay ni Madison. Malinis ang puso at isip namin. Habang ikaw, nilalamon ka ng kadiliman. Matagal nang tapos ang tungkol sa inyo ni Anwir, pero hanggang ngayon, kahit nandito ako sa tabi mo, kahit mag-asawa na tayo, parang siya pa rin ang nilalaman niyang puso mo. H