Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
CONTRACT WITH THE COLD BILLIONAIRE

CONTRACT WITH THE COLD BILLIONAIRE

Sa likod ng inosenteng mukha at mahinhin na kilos ni Diana Ross Lynch ay isang madilim na katotohanan siya ay si Ms.Goat. ang pinakamatapang na assassin ng isang lihim na organisasyon. Ngunit sa isang misyong nagkaproblema, napilitan siyang magtago sa ilalim ng isang bagong pagkakakilanlan. Ang paraan ng kanyang pagtatago? Ang maging asawa ng pinakamakapangyarihan at pinakamabangis na bilyonaryo sa bansa si Tyrone Zyrtec Glad. Para kay Tyrone, si Diana ay isang mahinang babaeng nakuha niya mula sa isang business deal. Siya ang kanyang "Unexpected Mrs." Isang pag-aari na maaari niyang kontrolin. Bilang isang ruthless billionaire, sanay si Tyrone na lahat ay sumusunod sa kanya. Hindi niya alam na ang babaeng inaakala niyang kailangang protektahan ay kaya siyang patayin sa loob lamang ng ilang segundo. Ang kanilang pagsasama ay naging isang mapanganib na laro ng pusa at daga. Habang ipinapakita ni Tyrone ang kanyang pagiging possessive at malupit, palihim namang tinatapos ni Diana ang kanyang mga misyon sa gabi. Ngunit habang tumatagal, ang pader na itinayo ni Diana ay dahan-dahang gumuguho. Ang bawat haplos ni Tyrone ay may hatid na kuryenteng hindi niya dapat nararamdaman, at ang obsesyon ng lalaki ay nagsisimulang maging totoo. Ngunit paano kung matuklasan ng isang Tyrone Zyrtec Glad na ang kanyang mahinang asawa ay ang assassin na inutusan ding pumatay sa kanya? Sa mundong puno ng kasinungalingan, ang pag-ibig ay isang lason na walang lunas. Sino ang mas nakamamatay ang bilyonaryong walang puso, o ang asawang may hawak na patalim sa likod ng kanyang mga yakap? Dito magsisimula ang totoong gulo, dahil sa oras na malaman ni Tyrone ang lihim ni Diana, sisiguraduhin niyang walang sinuman ang makakaagaw sa kanyang nakamamatay na Mrs.
157 viewsOngoingAdded to Library 4 Times as ding darna
Read
+Library
Seeking Forgiveness: The Ex-Husband’s Second Chance

Seeking Forgiveness: The Ex-Husband’s Second Chance

Oceania Verity
Sa ikalawang taon ng kanyang kasal, natuklasan ni Isabel na siya ay nagdadalang-tao. Labis ang kanyang tuwa, umaasa na ang kanilang magiging anak ang magpapatibay sa kanilang marupok na relasyon ni Allen, ang kanyang asawa. Ngunit sa likod ng kanyang kaligayahan ay may takot—alam niyang ang puso ni Allen ay para kay Victoria, ang babaeng hindi niya kayang kalimutan. Sa kabila nito, umaasa si Isabel na magbabago ang lahat dahil sa kanilang anak. Ngunit naglaho ang kanyang pag-asa nang mangyari ang isang malagim na aksidente. Malubhang nasugatan si Isabel at desperadong nakiusap kay Allen na iligtas ang kanilang anak. Subalit, tinalikuran siya ni Allen at pinili si Victoria, iniwan si Isabel sa kanyang sariling kapalaran. Habang lumalayo si Allen, parang pinipiga ang puso ni Isabel sa sakit. Kumalat ang balita sa Laoag tungkol kay Allen Alvarez, isang lalaking lumubog sa matinding pagsisisi. Ang pangalan ni Isabel Fajardo-Alvarez ay naging simbolo ng hindi maipaliwanag na kalungkutan at pighati, at walang sinuman ang naglakas-loob na banggitin ito sa harap ni Allen. Pagkalipas ng ilang taon, nakilala ni Isabel si Luis Mendoza, isang mayamang mamamayan ng Laoag at nag-iisang tagapagmana ng kanilang pamilya. Mabait si Luis at inalagaan si Isabel, tinuring ding parang sariling anak ang bata. Sa paglipas ng panahon, ipinakilala ni Luis si Isabel sa kanilang business partners, kasama ang pamilya nina Allen. Sa gitna ng isang masayang pagtitipon, biglang nagwala si Allen, lumuhod sa harap ni Isabel, ang kanyang mga mata’y pulang-pula at puno ng pighati. "Isabel, comeback to me... I’m begging for your forgiveness" aniya, humihingi ng kapatawaran, umaasang maibabalik pa ang dati nilang pagsasama. Mapatawad kaya siya ni Isabel o mananatili nalang alaala ang kanilang pagsasama?
10925 viewsOngoingAdded to Library 19 Times as ding darna
Read
+Library
KUYA NINONG

KUYA NINONG

Dalawampu’t dalawang taong gulang na si Mia Santos, at sa buong buhay niya, laging nandiyan si Ethan Reyes. Tatlumpung taong gulang, matalik na kaibigan ng kaniyang ama, at ninong niya sa binyag. “Kuya” ang tawag niya rito nang mag-isa lang sila, “Ninong” naman kapag may ibang nakikinig. Siya ang nagturo kay Mia magbisikleta, siya ang nagbibigay ng regalo tuwing Pasko — ang matanda at maaasahang gabay na itinuturing niyang parang kapatid. Ngunit walong taon ding nawala si Ethan sa ibang bansa, at nang bumalik siya, wala na ang dating kilala ni Mia. Iba na ang kaniyang mga mata — mas seryoso, mas malalim, at may nakatagong init na hindi niya maipaliwanag. Tahimik at maingat na siya kumilos, pero ang bawat tingin kay Mia ay tila may ibang kahulugan, matindi at mapanganib. “Hindi ka na bata, Mia,” bulong nito. “Pero para sa akin, lagi kang magiging akin.” Nagulo ang mundo ni Mia. Ang pamilya nila ay mariing tumutol — bawal ito, mali, at labag sa dapat. Ninong at inaanak sila; magkaibang mundo at tungkulin ang nag-uugnay sa kanila. Gayunpaman, sa tuwing hahawakan ni Ethan ang kaniyang kamay, tila humihinto ang lahat at nawawala sa isip niya ang bawat pagbabawal. Habang nilalabanan ni Mia ang kaniyang puso, unti-unting nahahayag ang katotohanan sa likod ng pagbabalik ni Ethan. Isang pangakong binitawan noon, isang lihim na kasalanan ng nakaraan, at dahilan kung bakit handa siyang harapin ang lahat — kahit ang galit ng lahat — makasama lang at maprotektahan siya. Ngayon ay nasa harap siya ng matinding pasya: Tatalikuran ba niya ang lahat ng paniniwala at utos ng iba para sa taong ipinagbabawal niyang mahalin? O pipiliin ba niya ang lalaking mula pa sa simula, siya lang at siya pa rin ang tanging nilalaman ng puso at pagmamahal?
710 viewsCompletedAdded to Library 27 Times as ding darna
Read
+Library
Behind Her Chalk : The Mafia's True Face of Zhaine

Behind Her Chalk : The Mafia's True Face of Zhaine

Si Jhai ay ang pinuno ng isang lihim na samahan na tinatawag na Lion Warrior, isang grupo na nagtutuwid ng mga maling katarungan. Maaga siyang naulila matapos mapatay ang kanyang mga magulang sa isang madugong insidente. Bitbit ang pangakong tutuparin ang pangarap ng mga ito, pinili niyang maging high school teacher. Upang mapanatili ang kanyang lihim na pagkakakilanlan, nagpakilala siya bilang si Zhaine, isang weird at old-fashioned na guro. Sa hindi inaasahan, siya ang itinalagang class adviser ng section 12-D—isang klase ng mga outcasts, pasaway, at mga estudyanteng tila wala nang pangarap sa buhay. Isa sa mga estudyante ay si Kenn Singson, anak ng school director. Masungit, matalino, at mailap—katulad ni Zhaine pagdating sa mga taong mahal nila. Bagama’t malamig at puno ng tensyon ang kanilang unang pagkikita, unti-unting nahulog ang loob ni Kenn sa kanyang adviser. At sa pagdaan ng panahon, kahit labag sa patakaran ng paaralan at sa sariling prinsipyo, natutunan ding ibigin ni Zhaine ang binata. Ngunit sa gitna ng unti-unting namumuong pag-ibig, patuloy pa rin ang misyon ni Jhai para makamit ang hustisya para sa kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw, natuklasan niya ang isang nakakagulat na katotohanan: ang taong pumatay sa kanyang ama ay walang iba kundi ang kanyang bagong kaibigan—isang private police inspector na lingid sa lahat ay may itinatagong lihim bilang kalaban ng Lion Warrior. Gumuho ang mundo ni Jhai. Ang paghahangad ng hustisya, sa pagkamatay ng kanyang magulang ang-siyang nagdulot sa kanya, upang siya'y mapahamak at mag-agaw buhay. Makakaligtas kaya si Zhaine sa bingit ng kamatayan? Isusuko ba niya ang Lion Warrior sa kanyang kaaway? handa ba nyang tanggapin ang alok ni Blue magpakasal kapalit ng kaniyang kaligtasan? At paano haharapin ni Kenn ang sakit ng mawalan ng babaeng unang nagturo sa kanyang magmahal—sa paraang kailanma’y hindi niya malilimutan?
9.71.0K viewsOngoingAdded to Library 25 Times as ding darna
Read
+Library
CEO Fell in Love with Her Secretary (SPG)

CEO Fell in Love with Her Secretary (SPG)

Ms. Melody—isang maganda, palaayos sa sarili, mayaman at isang ‘CEO’ ng malaking kumpanya. May boyfriend ito na nagngangalang Grabriel, ang lalaking pumunta ng US upang doon ipagpatuloy ang trabaho nito. Ngunit isang araw, gumuho ang mundo ni Melody; sapagkat nalaman n’yang may ibang babaeng iniibig si Grabiel sa US. Kasabay ng araw na ’yon ang pagtawag at pagtatapat mismo ng lalaki sa kanya nang hindi personal, sa pamamagitan ng video call, “I’m sorry for this melody…..” paunang salita nito. " We have to break," sunod pa nito. Pagkatapos marinig ang mga katagang iyon binaba na nito ang cellphone. Mabuti na lamang ay nand'yan ang isang lalaki upang damayan at saluhin s’ya. Si David na matagal na n’yang secretary. Pogi at maskulado ito. Isang billionaire man. Ngunit nang mamatay ang mga magulang nito sa murang edad n’ya ay nalugi ang kanilang negosyo. He didn't know how to manage it at that time. When David was already twenty-two years old, he applied as a secretary in a company owned by the Fuentes family, where Ms. Melody Fuentes was a member. Nang gabi ding iyon niyaya ni Melody si David na uminom para na rin mabawasan ang sakit sa puso n'yang dulot ng pag-ibig nito sa lalaking si Gabriel. Habang umiinom ang dalawa patuloy na humahagulhol ng iyak si Melody. 'Di naman gano’n kadaling mag-move on. PRETENDED COUPLE Habang nagpapanggap ang dalawa bilang magkasintahan, hindi ito naging madali para itago. May mga time pa nga na naghahalikan sila sa harap ng iba para mas mapatunayan nilang mag-couple talaga sila. Marami pa silang pinagdaanang problema bago sila ikasal. Nagkaroon ng dalawang anak at nalimutan ang mga bad past scenario. ”Dahil sa pagpapanggap, nagkaroon ng pag-asa ang puso kong nasugatan, ngunit agad na humilom noong dumating ka…….. David." -Ms. Melody.
102.0K viewsOngoingAdded to Library 59 Times as ding darna
Read
+Library
Yllena's Love Child

Yllena's Love Child

“Yllena, come here!” masayang bungad ng kaniyang asawa ng makapasok siya sa opisina nito. Nakita niya ang pagsilay ng matamis na ngiti sa labi ni Grae, ang kaniyang asawa. Lumapit siya dala ang isang sobre na naglalaman ng resulta ng kaniyang utrasound nitong umaga. Tamang-tama ito dahil ngayong araw ay unang anibersaryo ng kanilang kasal. Habang siya ay papalapit ay papalakas ng papalakas ang pintig ng kaniyang puso. Magkahalong excitement at kaba dahil alam niyang matutuwa ang asawa. Ilalabas na sana niya ang laman ng sobre ng bigla itong magsalita. “Evie’s back.” Biglang nanuyo ang kaniyang labi at natuod siya sa kinatatayuan. Ibinalik niya ang papel sa sobre. “I want a divorce, Yllena. Siya ang mahal ko,” dugtong nito. Ni hindi manlang inisip ni Grae ang mararamdaman ni Yllena samantalang simula pa lang ay alam na niyang mahal siya ng babae. “Oh sige,“ tipid niyang sagot. Mabilis pa sa ala-kuwatrong inilahad ni Grae ang Divorce Agreement papers para pirmahan ni Yllena. “Here, naayos ko na agad. Pirma mo nalang ang kulang!” masaya nitong sabi. Pinunasan ni Yllena ang luha at nanginginig na pumirma. Parang dose-dosenang punyal ang tumarak sa puso niya. Parang kating-kati ito na makasama ang babaeng 'yon? Bumalik si Yllena sa pamilya ngunit ng gabi ding ‘yon ay itinakwil siya. Dahil sa bigat at sakit ng kaniyang kalooban ay huminto siya sa tulay. Bumuhos ang napakalakas ng ulan. Nais na niyang wakasan ang lahat ng biglang may humawak sa kaniyang kamay at sapilitan siyang inilayo sa kamatayan. Hinila siya nito papasok sa kotse. Nuon lang niya namukhaan ang lalaki. “Lucerys? Lucerys Montblanc,” sambit niya. “Yes, I am. Death is not the answer, woman, but rather revenge,” kunot-noo nitong sabi. “Make him pay! Join me, Yllena!”dugtong nito.
101.0K viewsOngoingAdded to Library 30 Times as ding darna
Read
+Library
The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]

The Billionaire Conquer My Heart [Book lll]

Sa hindi inaasahang pangyayari ay naaksidente si Don. Rafael at napadpad siya sa kabundukan ng Sierra madre. Tinulungan ng dalagang taga bundok ang matandang Don ngunit ng araw ding iyon ay binawian ng buhay ang may sakit nitong lola. Sa pagkamatay ng matanda ay isang lihim ang natuklasan ni Don. Rafael tungkol sa pagkatao ng dalagang nagligtas sa kanya. Bilang pagtanaw ng utang na loob ay inampon ng matanda ang dalaga. Ang tanging paraan na naisip ni don Rafael upang ma-protektahan ang dalaga laban sa angkan niyang ganid sa salapi ay maikasal ito sa kanya. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay namatay si Don. Rafael at inihabilin niya ang lahat sa isa nitong apo na si Alexander lll. Labis na nagimbal ang lahat dahil sa huling testamento na iniwan ng matanda at iyon ay kailangang pakasalan ni Alexander ang asawa ng kanyang Abuelo para makuha ng binata ang kanyang mana. Zanella Smith- isang inosenteng babae na lumaki sa kabundukan ng Sierra madre. Isang malaking katanungan para sa lahat ang kanyang pagkatao na tanging si Don. Rafael lang ang nakakaalam. Alexander lll- kilala ng lahat bilang suplado at masama ang ugali ngunit sa pagdating ni Zanella ay biglang nagulo ang noo’y tahimik na buhay ng binata. Paano kung sa huli ay malaman ni Alexander na ang lahat ng yaman na mayroon sila ay napunta sa pangalan ng asawa ng kanyang Lolo, kay Zanella, masunod kaya niya ang habilin ng kanyang Abuelo na kailangang protektahan ang dalaga na ngayon ay asawa niya o katulad din siya ng iba niyang kamag-anak na walang ibang ni nais kundi ang mawala sa landas nila ang dalaga upang mabawi ang yaman na nasa pangalan nito? “Ito ang ikatlong yugto ng kwentong Behind Her Innocence…”
1013.2K viewsCompletedAdded to Library 528 Times as ding darna
Read
+Library
PREV
1
...
141516171819
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status