Kakaibang Tikim
Ilaria POV
Hilo na at init na init na ako. Gusto ko nang umuwi pero bago iyon, gusto ko munang masigurong ayos na ang stage kahit kaunti. Kaya naman, umakyat ako sa makeshift stage kahit ‘di pa buo. Gusto kong makita mismo kung matibay, kung pantay, kung walang sablay. Nag-ingat pa akong huwag matapilok, kasi ‘yung iba sa mga gumagawang mga kalalakihan, pansin ko rin na kanina pa patingin-tingin sa akin. Type pa ata ako, wala pang ayos ito, huh, pero pinagtitinginan na agad. Ang lakas talaga ng dating kapag naayos na ang buhok. Kumbaga, nakakalakas ng dating kapag straight hair na, salamat talaga kay Toph, dahil siya ang dahilan kung bakit maganda na ang buhok ko ngayon.
Bab Populer