TBD #2: Femme Fatale
Kasabay noon, mabilis akong umikot at sinikuhan ang kanyang likod—pero bago pa tumama iyon, nahagip na niya ang braso ko, gamit ang parehong bilis at liksi na palagi niyang ipinapakita.
“Nice try,” he muttered, at bago ko pa maunawaan ang susunod niyang galaw, bigla na lang niya akong binuhat at muling ibinagsak sa sahig. Napasinghap ako sa impact pero hindi ko hinayaang sumakit ang pagkatalo.
Miko wasted no time—he was about to throw a punch while I was still lying on the ground. Pero sa isang mabilis na galaw, agad akong gumulong palayo, dodging his attack at the last second.
Hot Chapters