Tempting The Good Girl
Binuhat niya ito na para bang ito ang pinakamahalagang bagay sa mundo.
Pumasok sa bibig at ilong ko ang tubig bago pa man ako makasigaw. Sinubukan kong lumutang, pero ayaw sumunod ng katawan ko. Humahampas lang ang mga kamay ko sa ibabaw ng tubig pero hindi ako makaahon.
I was sinking!
At ang pinakamasakit sa lahat? Ni minsan ay hindi lumingon sa akin si Anthon.
"Angelique, gumising ka! Please, gumising ka!" hiyaw ni Anthon, basag ang boses sa desperasyon, like she was the love of his life. And there I was, his girlfriend of four years... still struggling in the pool, drowning.
Hot Chapters