Si Maria (R-18)
Nagkataon na nagkakitaan kami agad, noong malaman niya na wala na ako sa Club, dahil nagpunta pala si Edward doon sa pinagtatrabahuhan ko upang silipin ako.
Pero nagpapasalamat pa rin ako dahil pinahanap pala ako ni, Toti. Si Edward naman kaya pala siya masungit dahil nawawala ang fiancee niya, isang buwan na ang nakakalipas. At anak pala ito ng isang congressman mayaman pala 'yung babae.
Sabi ni Toti masayahin at mapagbiro tulad nila si Edward pero simula ng mawala ang fiancee niya naging ganyan na siya siguro sinisisi niya ang sarili niya.