Kakaibang Init (SPG)
Sina Felicity at Borgie nasa likod, tahimik pero halatang nangingiti pa rin sa mga nakikita sa paligid.
“So,” sabi ng designer, crossing his legs. “What are we feeling? Power? Romance? Drama?”
Nag-isip ako sandali.
“I want presence,” sagot ko. “Kapag naglakad ako sa carpet, I don’t want to compete. I want to dominate. But still elegant. Hindi costume.”
Tumango lang siya. “Structure, then. Strong silhouette. But we soften it with movement.”
Naglabas siya ng sketchpad at mabilis na gumuhit doon. Ilang linya pa lang, may hugis na agad. Ang galing, halatang bihasang-bihasa na siya.