Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
An Everlasting Love (Book 1 & 2)

An Everlasting Love (Book 1 & 2)

Babz07aziole
"Sa larangan ng pag-ibig ano ang makakaya mong isakripisyo para sa kapakanan ng iyong minamahal?" Si Armina Deo Gracia at Xander Luis Montenegro, pinagtagpo sa maling panahon. Nagkaroon man ng kanya-kanyang pamilya ay nanatili ang pag-ibig nila sa isa’t isa. Hanggang dulo... Si Katherine Salcedo at Ivan Sammuel Stevenson, apo ng yumaong Armina at Xander Luis. Pinagtagpo at kusa nilang nasumpungan ang pag-ibig sa bawat isa kahit na magkaiba ang estado nila sa pamumuhay at marami ang humahadlang. Magiging katulad din ba ng kanilang namayapang abuela at abuelo ang kanilang pag-iibigan? Sa panahong malupit ang kapalaran, magkakaroon ba ng pag-asa ang kanilang pag-iibigan? Kaya bang mapanindigan ang wagas na pagmamahal kung ang alaala nila’y maaaring mahadlangan ng kanilang pagitan sa nakaraan?
6.3K viewsCompletedAdded to Library 226 Times as ever after high characters
Read
+Library
Four Years of Marriage, His Heart was never Mine

Four Years of Marriage, His Heart was never Mine

Apat na taon ng kasal sila Xyriel at Ralph nang bumalik ang isang babaeng minahal ni Ralph. Noon lamang napagtanto ni Xyriel na kaya pala malamig na pagtrato at tila walang pagnanasa sa kanya ni Ralph ay hindi pala siya ang totoong mahal nito. Siya ang kasama sa bahay at katabi sa kama ngunit ang puso at isip ni Ralph ay nasa babaeng nililihim niyang mahalin, ang kabit nito. Binibigyan siya ni Ralph lagi ng panggastos buwan-buwan, tatlong libo ang saktong pera ngunit kulang ito sa mga gastusin sa pang-araw-araw ni Xyriel. Habang si Ralph ay tinitipid ang pera sa kanyang asawa na si Xyriel, nagwawaldas naman ng halos tatlong milyon para sa paghahanap sa kanyang kabit, ang babaeng matagal ng nakaukit sa puso nito. Sobrang sakit para kay Xyriel na hindi niya mapapantayan ang pagmamahal na pinaparamdam ni Ralph sa kabit nito.
187 viewsOngoingAdded to Library 7 Times as ever after high characters
Read
+Library
Never Fall Again to the Heartless Billionaire

Never Fall Again to the Heartless Billionaire

Binayaran si Emerald upang paibigin at sirain ang engagement ni Lucian Monteverde sa kasintahan. Dala ng pangangailangan at lihim na pag-ibig sa binata ay pumayag siya. Matagumpay ang misyon ngunit naging kapalit ang buhay ng babaeng pinakamamahal nito. Hindi siya nakahanda sa matinding galit at ganti ng bilyonaryong CEO. Pinakasalan siya nito at pinagmalupitan. Pinagbayaran niya ang lahat ng kasalanan hangang sa puntong tapusin niya ang sariling buhay. Makalipas ang dalawang taon ay muling nag-krus ang kanilang landas. Iba naman ang pagpaparusang ginawa ng asawa, naging possessive at obsessed ito sa kanya! Ayaw siya nitong pakawalan ngunit hindi siya babalik kailanman. Wala sa plano niyang ulitin ang katangahan. Gusto niyang mabuhay ng malaya at may kapayapaan ng isip. Ngunit bakit ayaw mapatid ang gahiblang tila sinulid na nag-uugnay sa kanilang dalawa?
9.8117.1K viewsCompletedAdded to Library 3.2K Times as ever after high characters
Read
+Library
She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...

She Was My Wife, Never My Love—Until I Lost Her...

"Asawa niya ako, pero hindi kailanman minahal." Sa loob ng isang taon, tiniis ni Anessa ang malamig na pagtrato ni Bart Divinagracia—ang CEO na asawa niyang itinuring siyang wala. Isang kasal na itinali ng obligasyon, hindi ng pag-ibig. Isang pusong tahimik na nasasaktan, umaasang mamahalin din siya balang araw. Pero hanggang kailan siya maghihintay? Nang siya’y tuluyang iwan, doon lang napagtanto ni Bart ang halaga ng babaing dati’y hindi niya pinansin. Ngayon, handa siyang bawiin ang pusong sinayang niya—pero may babalikan pa ba kaya siya? O huli na ang lahat?
9.674.0K viewsCompletedAdded to Library 2.5K Times as ever after high characters
Read
+Library
Of Roses, Thorns, and Everything Nice

Of Roses, Thorns, and Everything Nice

Ulila si Jacob at walang maipagmamalaki sa buhay nang pakasalan niya si Adelyn. Dahil doon puro pang-iinsulto ang inabot niya mula sa pamilya nito. Kung hindi dahil sa pagmamahal sa asawa, baka matagal na siyang sumuko. Subalit umiikot ang gulong ng kapalaran… Isang taong hindi niya inaasahan ang nagbalik sa kanyang buhay ang bumago ng lahat. Now, Jacob’s up for revenge. Pero mas matimbang ba ang paghihiganti niya kaysa pagmamahal sa asawa…?
103.5K viewsOngoingAdded to Library 87 Times as ever after high characters
Read
+Library
When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband

When Forever Fades: Let’s Get Divorce My Dear Husband

"Love can be learned." Iyan ang paniniwala ni Seraphina. Kaya nang ipahayag ng kanyang mga magulang na ikakasal siya kay Sebastian Aldridge Singson—isang lalaking may yaman, kapangyarihan, ngunit walang emosyon—hindi siya tumutol. Sa isip niya, matutunan din nitong mahalin siya… balang araw. Ngunit ang kasal niya ay naging isang bilangguan. Kahit anong pagsisikap niyang makuha ang atensyon at pagmamahal ng kanyang asawa, nananatili itong malamig at walang pakialam. Isinilang ang kanilang anak, ngunit sa halip na maging daan upang mapalapit ang kanyang pamilya, mas lalong lumalim ang kanyang pagdurusa. Hindi lang siya itinuturing na estranghero ni Sebastian—pati ang sarili niyang anak ay may hinanakit sa kanya. Sa wakas, napagod si Seraphina sa laban na siya lang ang lumalaban. Sa unang pagkakataon, pinili niyang mahalin ang kanyang sarili. Iniwan niya ang buhay na puno ng sakit at hinanap ang kalayaang matagal niyang inasam. Ngunit sa kanyang muling pagsisimula, hindi niya inaasahan na ang lalaking minsang nagpaikot sa kanyang mundo ay siya ring maghahabol upang maibalik siya sa kanyang piling. Handa pa ba siyang bigyan ng pangalawang pagkakataon ang lalaking minsang bumasag sa kanyang puso? O tuluyan na niyang pipiliin ang isang bagong simula?
108.3K viewsOngoingAdded to Library 258 Times as ever after high characters
Read
+Library
Grace Monteverde (Tagalog)

Grace Monteverde (Tagalog)

MissDreamGirl
Malapit na mawalan ng pag-asa si Grace sa buhay at gusto na niya wakasan ang sarili niya pero may pumigil sa kanya. Walang iba kundi si Calvin Montevista Ang lalaking magmamahal sa kanya ng totoo. Natupad ang kahilingan niyang maging masaya. Pero nagulat na lang siya isang araw isang malamig na tingin at pandidiri ang nakikita niya sa mukha ni Calvin. Para bang nabasag ang pagkatao niya pero kahit ganun nagsumikap si Grace na nararapat pa rin siya maging masaya.
713.3K viewsCompletedAdded to Library 438 Times as ever after high characters
Read
+Library
"WILL YOU BE MY FOREVER?"
Book 1: Evan Ray Ricaforte

"WILL YOU BE MY FOREVER?" Book 1: Evan Ray Ricaforte

Heaven Abby
Book 1: EVAN RAY RICAFORTE Evan Ray Ricaforte—tall, dark, and ruggedly handsome. Wala pa siyang babaeng hindi napapa-ibig. At kapag nakuha na niya ang gusto niya at nagsawa na siya, he would leave that woman with no valid reason at all. Ganyan si Evan! A certified playboy in town! Isa si Carla sa nabiktima nito way back ten years ago. Halos masiraan siya ng bait for experiencing that terrible heartache in her past. Kaya't hindi na siya nagmahal muli. She created walls between her and those guys na umaaligid sa kanya. Ngunit paano kung pagtagpuin muli sila ng tadhana? Paano kung isa ito sa mga lalaking umaali-aligid din sa kanya? Paano kung marinig niya mula rito ang mga katagang, "WILL YOU BE MY FOREVER?" Maniniwala ba siya at tatanggapin ang lalaking magpahanggang ngayon ay mahal pa rin niya? O lalayuan ang lalaki sa pag-aakalang niloloko pa rin siya?
101.4K viewsOngoingAdded to Library 53 Times as ever after high characters
Read
+Library
Pregnant By The Billionaire I Never Saw

Pregnant By The Billionaire I Never Saw

Dahil sa matinding pangangailangan at sa inang nakaratay sa ICU, napilitan si Kaia na isuko ang sarili kapalit ng malaking halaga-isang desisyong kailanman ay hindi niya inakalang gagawin niya. Sa loob ng isang gabi, nakasama niya ang isang misteryosong lalaking nagpakilalang "Mr. C." Nakapiring ang kaniyang mga mata kaya't ni anino ng mukha nito ay hindi niya nasilayan. Tanging malamig na tinig, marahang haplos, at pangakong babalikan siya ang naiwan sa kaniya. Ngunit imbes na galit ang maramdaman, unti-unting nahulog ang loob ni Kaia sa lalaking hindi niya nakita. Isang kahibangan man para sa iba, pinanghawakan pa rin niya ang pangakong muli silang magkikita-lalo na nang malaman niyang nagbunga ang gabing iyon. Makalipas ang ilang taon, napadpad si Kaia sa isla ng El Nido kasama ang kaniyang anak na si Kairo. Doon niya nakilala ang magkapatid na sina Cassian at Caelum Delacroix-mga kilalang negosyante at tagapagmana ng isang marangyang resort empire. Naging malapit ang magkapatid sa kaniya, lalo na kay Kairo na agad nilang kinagiliwan. Ngunit habang tumatagal, lalong nagugulo ang isip ni Kaia. Parehong may mga bagay na nagpapaalala sa kaniya tungkol kay "Mr. C." Ang malamig ngunit mapang-akit na titig ni Cassian... at ang pamilyar na boses at pag-aalaga ni Caelum. Isa nga kaya sa magkapatid ang lalaking matagal na niyang hinihintay? Ang lalaking minahal niya kahit hindi niya kailanman nakita? O panahon na para buksan ni Kaia ang puso niya para sa panibagong pag-ibig?
10329 viewsOngoingAdded to Library 7 Times as ever after high characters
Read
+Library
ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)

ARCHANGELS BOOK 1: URIEL (THE HEART NEVER FORGETS)

Jessica Adams
"You're breaking up with me kasi sa tingin mo mas magaan? Ganoon ba iyon?" ang mahinahon pero puno ng hinanakit na tanong-sagot sa kanya ni Uriel. Sinubukan niyang magbuka ng bibig para magpaliwanag pero walang anumang salita siyang naibulalas kaya nagpatuloy ang binata. "Kasi wala pa tayong isang taon kaya iniisip mong hindi pa kita ganoon kamahal?" noon na galit na napatayo si Uriel. "Very childish, and I should tell you, that was the most bullshit excuse that I have ever heard!" ang galit na sagot ni Uriel na tila ba hindi narinig ang sinabi niya. Malakas na sampal ang pinadapo ni Therese sa pisngi ng binata dahil doon. "Sa tingin mo madali ito? Ginagawa ko ito para sa'yo!" "Really?" ang binata na mapait pang tumawa. "para sa'kin o para sa sarili mo?" "How dare you!" si Therese na muling napaiyak. "Well same here! Bakit sa tingin mo ba may magbabago sa kundisyon mo kapag inalis mo ako sa buhay mo?" "Tumigil ka!" "No! Hayaan mo akong magsalita okay? You've done too much talking already so I guess it's my turn now!" Natigilan si Therese sa nakita niyang magkahalong galit at paghihirap sa mukha ni Uriel kaya hindi siya nakapagsalita at umiiyak na pinakinggan ang lahat ng sinabi ng binata. "Masakit oo, at ako mismo natatakot na ngayon palang. But I'm not like you. Kasi kahit natatakot ako at nahihirapan, sinusubukan ko paring ihanda ang sarili ko. Pinag-aaralan kong tanggapin ang lahat. Kasi gusto kong maging masaya ngayon, habang nandito ka pa, habang kilala mo pa ako," ani Uriel na tuluyan na nga ring napaiyak. "Simple lang naman ang gusto ko, bigyan mo ako ng role sa buhay mo, kahit maliit lang," ang pagpapatuloy nitong pakiusap saka nagpahid ng mga luha. "U-Uriel," aniyang isinubsob ang mukha sa palad saka napahagulhol.
1.9K viewsOngoingAdded to Library 50 Times as ever after high characters
Read
+Library
PREV
1
...
1112131415
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status