One Hot Night to Forever
"Huwag ninyong masyadong pinakikinggan ang mga kwento ng Tito Drew niyo. Isang baby sister lang, masayang-masaya na si Ahma. Kaya sige na, ipagpatuloy niyo na ang pag-iisip ng pangalan para pag-uwi ng Mommy at Daddy niyo mula sa kanilang 'misyon', may maipapakita kayo."
"Opo, Ahma!" sabay na sagot ng dalawa, muling bumalik sa kanilang mga papel, mas lalo pang naging determinado na hanapin ang pinakamagandang pangalan para sa susunod na miyembro ng pamilya Revamonte.
Magiging tama kaya ang hula ng kambal? O baka sa pagkakataong ito ay pumalya ang similya ni Gideon?