Marahuyo
Matapang, mapagmanipula at nagiging malupit sa mga tao sa paligid niya, subalit sa kabila noon, nakikita pa rin ni Savannah ang isang kilos at ugali sa loob ni Rostam na kailan man ay hindi na mabubura.
Ang pagiging balat sibuyas. Ramdam pa rin niya ang pagiging sensitibo ni Rostam sa lahat ng bagay. Kagaya pa rin ito ng dati, hindi pa rin nito kayang kontrolin ang emosyon at hinahayaan ang sarili na magpatangay sa nararamadaman niya. Pinapakita nitong matapang at wala siyang kinatatakutan ngunit sa loob nito, mayroon pa rin itong kinukubling kahinaan. Bilang kambal, malakas ang koneksyon nila kaya batid niya ang mga bagay na hindi kayang ilabas ni Rostam sa iba.
Bab Populer