Muling Maging Akin
Bayágan ko talaga siya!
“Hon! It's not what you think! What I mean is, wala ako naging fling, okay? Kung sakaling meron man at may manakit sayo, hindi ko yun palalampasin. Mananagot sila sakin pero wala talaga ako naging fling, I swear. Wag mo na ko bugbogin, hon.” Kinulong niya ko ng mahigpit sa mga bisig niya kaya hindi na ko makagalaw para sapakin siya. Ugh!
“Cute mo magselos, hon para kang minions na nagtatampo.” Napatingin ako bigla sa suot ko. Naka dilaw ako na dress at jumper sa ibabaw nito.