Entangled (The Ledesma Legacy Series 1)
"Kaya might be, na-develop ka na rin sa kanya nang 'di mo namamalayan. Kumbaga, sa 100%, sabihin na natin 80% 'yong kay Maui at na-develop 'yong 20% kay boss."
"Ang lakas maka-talino ng may pa-percentage." Natawa kami sa sinabing iyon ni Luna, saka siya nagpatuloy sa pagsasalita, "Pero, kahit bente porsyento lang 'yan, delikado tayo diyan, Floring. Tapos, araw-araw mo pang kasama. Alam niyo, mga 'tol, ang tukso, 'pag nilabanan mo, lalong 'di ka mananalo. Ang dapat, iwasan mo. Umiwas ka na habang maaga bago pa umakyat 'yang bente sa singkuwenta hanggang maging isandaang porsyento. Kawawa si Maui, 'tol."
Bab Populer