His Forbidden Touch (SPG)
Mula nang mapabilang siya sa Whore Girls Club, natutunan niyang yakapin ang katawan niya kahit pa mukha siyang walking stick at alalahaning bawat babae ay maganda sa sarili niyang paraan, may laman man o buto-buto.
“Oh my God, Daniella! Don’t tell me patay na patay ka pa rin kay Clifford ngayon? Yung kaluluwa mo nakasabit pa rin sa kanya?” bulalas ni Lorna.
Ngumuso si Daniella. “Ano naman ngayon? Clifford is my first love and will always be the one for me. Alangan namang magpalit ako ng pangarap.”
“My ghad, teh, ha. College ka pa lang may gusto ka na kay Clifford. Eh, twenty-six ka na ngayon, humohopia ka pa rin d’yan. Puyat na puyat na ang pag-ibig mo.”
ตอนยอดนิยม