THE BILLIONAIRE'S SECOND TASTE OF LUST
Pakiramdam niya may kakaiba talaga sa kausap niya, pero dahil malakas ang kanyang loob, nagpatuloy na lang siya.
“Father, pakiramdam ko po parang nakakulong ako sa buhay na ito. Alam kong masaya ako para kay Ate Kylie, pero naiinggit din ako. Gusto ko rin pong makalaya sa kontrol ni Papa.”
Tumango-tango ang lalaking nasa kabila ng harang, bagamat hindi ito nakikita ni Andrea. “Freedom, huh? Alam mo, minsan, para makalaya, kailangan mong gumawa ng sariling desisyon. Hindi mo kailangang sundin ang lahat ng gusto ng ibang tao.”