Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
ANG PIYAYA NI PIPAY

ANG PIYAYA NI PIPAY

“Pipay!” galit na sigaw ng aking madrasta mula sa kanyang silid habang abala sa pag-aayos ng kanyang mukha. Halos magputok ang ugat sa kanyang leeg, na para bang ako ang dahilan ng lahat ng problema niya sa buhay. “Bakit po, Madam?” mahinahon kong sagot habang tuloy sa paglalampaso ng sahig. “Madam”—iyon ang itinawag niya sa akin mula pa noong una, at dahil sa takot, hindi ko na rin inusisa kung bakit. Ako nga pala si Piazza Fontana Vega, o mas kilala bilang Pipay. Dalawampu’t dalawang taong gulang na ako, ngunit hanggang Grade 5 lang ang naabot ko. Natigil ako sa pag-aaral noong mag-asawa muli ang aking ama. Simula noon, naging parang alipin na ako ng aking madrasta. Araw-araw, pareho lang ang eksena sa bahay. Ako ang gumagawa ng lahat ng gawain habang si Madam at ang kanyang anak na si Claire ay nag-e-enjoy sa luho ng buhay. Pero kahit ganoon, may lihim akong pangarap. Minsan, sa mga tahimik na gabi, iniisip ko kung darating ba ang araw na makakawala ako sa ganitong sitwasyon. “PIPAY!” muling sigaw ng aking madrasta, na tila mas nagiging galit pa. Agad kong iniwan ang mop at tumakbo sa kanyang kwarto. Kailangan kong magmadali. Kapag natagalan ako, mas matindi ang parusa. “Madam, may kailangan po ba kayo?” magalang kong tanong sa aking Madrasta. "Bakit ba ang bagal mong kumilos? HETO! Labhan mo pati ang damit ng anak ko!” sigaw niya, sabay hagis sa akin ng maruruming damit. Tumama ito sa aking mukha, pero wala akong nagawa kundi damputin ang mga ito. “Opo, Madam,” sagot ko, habang pinipigil ang pagbagsak ng luha.
Romance
1020.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Her Obsession [gxg]

Her Obsession [gxg]

Lumipat ang kaniyang kaluluwa sa asawa ng Mafia Boss na kung saan ay matagal nang nakakaranas ng paghihirap habang kasama ang asawa nito. Clyde Cleomonte, a 21 years old na kung saan ay pinakasalan ng sapilitan ni Silvia Kill na Mafia boss. "Hon, are you okay?", tanong ng babae saakin. Hon? Bakit niya ako tinatawag na Hon at bakit nandito ako sa hospital? Ang huli kong naaalala ay itinulak ako ni Blue, may tumulong ba saakin? "Nasaan sina Blue? Nakulong naba sila?", tanong ko sa mga lalaking nakaitim. I think mga pulis sila pero bakit hindi sila nakauniporme? "Whose blue? Hon, what happened back then?", tanong ulit ng babae. Bakit ba Hon ang palaging tawag niya sakin? Hindi ko naman siya kilala. Napatingin ako sa salamin na kung saan ay nasa side wall, I saw that this is not my face. Nanlaki ang mata ko sa gulat, anong nangyari sa mukha ko at sino sila. Lalapit na sana ang babae ng itinago ko ang katawan ko hanggang sa leeg ng kumot. "Stay right there!! Wah mokong lapitan", sigaw ko kaya napahinto naman siya at nag aalalang nakatingin saakin. "Do you- do you forget about me?", nauutal na sagot niya. Biglang may lumitaw na batang babae around 3 ata galing sa kaniyang likod. Nakatingin na siya saakin ngayon. "Mama?", tanong nito. Wait, naguguluhan na ako. Sino ba sila at bakit tinatawag akong Mama ng bata. "Hindi ko alam ang sinasabi niyo at wag mokong tinatawag na Mama!!" ,sigaw ko sa kanila. Biglang umiyak ang bata at nagpabuhat sa babae. Kinarga niya ito at nagdilim ang tingin nito saakin. Sino ba sila? I don't understand what's happening. Mama, i need you.
LGBTQ+
8.716.9K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
TRAPPED BY ALLEJO

TRAPPED BY ALLEJO

Ambisyosa22
Allejo is well-known as one of the powerful clan, sa Probinsya ng Cagayan Juancho Juno Allejo, panganay na anak ni Don Allejo at Donya Ceress. Marami ang nagtataka dahil hindi kalayuan ang edad ng mag ama. Edad labing apat ay nabuntis ni Don Allejo ang naging kabiyak. Ngunit alam nila sa puso nila walang pagmamahal doon kahit sinubukan nila. Dumaan ang panahon, nagkaroon ng ibang babae ang batang Don. Sa edad labing lima ni Juno ay pumanaw ang ina nila ni Migo, napuno ng galit ang puso nito at nangako na hahanapin ang babae na sumira sa pamilya n'ya. All along akala ng binata perpekto ang pamilyang kinabibilangan. Matapos ang pagkawala ng ina ay na buhay ang ibang katauhan ni Juno. Malamig, malayo at mabagsik sa mga kababaihan pero sa likod nito naroon ang kababata na si Kim. si Xhymich hangad lang ay simpleng buhay. Ngunit para sa magulang ng dalaga hindi sapat ang simple lang. Kaya sa mismong araw na itinakda na kasal ng dalaga ay tumakas ito. Ngunit ang akala n'yang hero na tumulong sa kanya ay ang mas magkukulong sa mabagsik at marahas na mundo. Pigilan man niya ang kanyang damdamin ay sa pagmamahal pa rin nauwi. Pilit mang saktan s'ya ng lalaki ay pag-ibig pa rin ang hiyaw ng puso niya. Ang isa nga bang pagkakamali ay maitutuwid ng isa pang pagkakamali? Kung nakakasakit ba ang pagmamahal dapat na bang tigilan? O ang pagmamahal kaya ng dalaga ang gamot sa lahat ng galit at poot na inipon ng binata? O baka nga si Kim ba na kababata at matagal ng nag aabang sa atensyon at pagmamahal ni Juno ang tunay na nakatakda?. " Hindi man ako ang una, ako naman ang magiging huli. Para lang sa akin ang panganay na Allejo" Mga katagang binitawan noon ni Kim.
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
1234
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status