Alipin Ng Tukso
Ako ang may sagot ngayong hapon kaya walang tigil ang dating ng pagkain sa lamesa namin.
May kare-kare, sinigang, bulalo, inihaw na pusit, crispy pata, at siyempre, mga drinks na malamig pa sa yelo.
“Ito ang gusto ko kapag lalabas, makakatikim na ulit tayo ng nga pinoy food, parang ang sarap tuloy magbalot pag-uwi,” biro ni Rafe habang sinusubo ang crunchy na balat ng lechon kawali.