Love Beyond Contract: Billionaire's Secret Affair
Tungkol naman kay Donya Soledad, may usapan nga sila; umabot sa pagkakaroon ng apo sa tuhod ang usapan nila, pero hindi nabanggit ng matanda na welcome siya bilang asawa, o kaya naman walang nabanggit ang matanda na maaari niyang mahalin at pangarapin ang maging isang Almonte.
"Halika, nga, para saan ang lungkot na 'yan, ha?" Sabi ni Anton na niyakap si Amara. Medyo umiwas ang dalaga, kaya pumuwersa si Anton para sana mapaupo sila sa kama, pero natumba na siya parehas. Parang eksena sa isang romance movie dahil nang matumba sila sa kama, nagdikit ang kanilang mga labi at hindi na iyon hinayaan ni Anton na maghiwalay.
Hot Chapters