The Ring of Truth and Lies
Maya-maya ay dahan-dahang bumubukas ang ga-higanteng pinto ng simbahan ng San Andres habang tumutugtog na rin ang isa sa paborito n’yang kanta.
“This day is your special day,
Lift your head and don’t be scared.
Take my hand, eyes laid to mine.
I’ll hold you ‘till forever it’ll fine.
Oh, my love for you will never die.”
Habang mabagal na lumalakad ay hindi maalis nina Glayscent at Haniel ang titig sa isa’t-isa, kapwa ninanamnam ang bawat letra ng kanta. Hindi maalis ang mga ngiti nila sa labi na parang ang lahat ay totoo at hindi planado. Sa hindi malamang dahilan ay pakiramdam ni Glayscent na napakahaba ng kanyang nilalakaran, parang napakatagal bago sya makarating sa altar.
인기 회차