Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Alpha's Heat

The Alpha's Heat

Yoongdy
Ako si Sapphire, isa akong taong lobo. Isa ang lahi namin sa maraming nilalang na sinasabing produkto lamang ng malikot na imahinasyon ng mga tao. Siya si Night, ang anak ng alpha ng aming tribo. Matagal ko na siyang kilala ngunit kamakailan lang nang muli kaming nag-usap. Sa hindi malaman na dahilan ay masungit at malamig siya sa akin. Siya ang dati kong malapit na kaibigan, pinaglayo kami ng isang aksidente. Malungkot man ang kinahinatnan ng pagkakaibigan namin, namuhay naman ako ng normal sa kabila nito. Pero sa paglipas ng mga taon ay muli kaming pinagsama sa isang proyekto para sa kinabukasan ng aming tribo. Ang mas malala pa rito ay kailangan namin na tumira sa iisang bubong. Paano ko kaya malalagpasan ang matinding pagsubok na ito sa buhay ko? May pag-asa pa kaya na maibalik ang dati naming pagkakaibigan? O baka may iba pa kaming madiskubre sa isa’t isa na maaaring magsilbing mitsa ng mas malaking pagbabago sa matagal nang sira naming relasyon.
Other
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Bound to the Billionaire's Desire

Bound to the Billionaire's Desire

Si Elena Madrigal, isang sikat at hinahangaang fashion designer, ay kilala sa kanyang Majesty Designs, mga obra na simbolo ng karangyaan at kapangyarihan. Ngunit sa isang iglap, ang mundong itinayo niya ay gumuho sa kamay ng mga taong minsan niyang minahal at pinagkatiwalaan, ang dating kasintahan niyang si Adrian De Leon, na ninakaw at ipinagbili ang kanyang mga disenyo, ang matalik niyang kaibigan na si Vanessa Alcaraz, na nilamon ng inggit, at ang boss niyang ginamit ang kanyang talento para sa sariling ambisyon. Habang unti-unting nabubura ang kanyang pangalan sa industriyang minsan niyang pinasiklab, isang lalaking matagal nang nakamasid sa kanya mula sa dilim ang lumapit. Si Nathan Arguelles, isang makapangyarihan at misteryosong billionaire. Tahimik ngunit mapanganib. May tinig na kayang bumura ng alinlangan. At sa isang boses na malamig at mabigat sa pangako, bumulong ito: “Be mine and marry me, Elena. I’ll give you back the world they stole from you.” Ang kasunduang ito ay hindi tungkol sa pag-ibig, kundi sa paghihiganti. Para kay Elena, ito ang tanging paraan para muling mabawi ang lahat. Ngunit sa ilalim ng mga halik na nilalabanan niya, sa bawat titig na tila binabalatan ang kanyang kaluluwa, unti-unting nagbabago ang laro. Sa pagitan ng pag-ibig at paghihiganti, kailangang  piliin ni Elena kung mananatili ba siya sa apoy ng paghihiganti o hahayaan niyang ang lalaking dapat sana’y biktima lang… ang maging dahilan ng pagbabagong hindi niya inaasahan. Paghihiganti ang dahilan niya…ngunit ang nakaharap niya, ang lalaking kayang baliktarin ang lahat.
Romance
60 viewsOngoing
Read
Add to library
BAGAC

BAGAC

ArLaSan
Isang maganda at nakapang-aaya na pook ang BAGAC. Subalit sa aming paglalakbay sa ilang bahagi nito ay di sinasadyang naakit naming sumama sa aming hanay ang ilang paranormal na nilalang na siya ring naging saksi sa aming mga makamundong pagnanasa, malikot na pag-iisip, at pagtatahi-tahi ng mga pinagmulan at solusyon sa aming mga pakikipag-engkwentro sa kanila. Ako si Hardy. Tuklasin ang pusok at pakikipagsapalaran ko at ng aming mga kaibigan, kalaguyo at kapamilya laban sa mga taga-ibang dimensyon.
107.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Contract marriage (Tagalog)

Contract marriage (Tagalog)

si louisse ay ipinagkasundo sa anak ng kaibigan nang kanyang ama. Subalit Hindi nito kayang pakasal Ang binata.Dahil sa gusto Muna niya makapag- aral at maabot Ang kanyang pangarap. Ngunit sa kanyang pagbabalik.Doon niya mapagtatanto na mahal Pala niya Ang binata. At Ang binata Ang magpapahirap sa kanya.Dahil sa gusto niyang ipadama Ang sakit na kanyang naranasan noong iniwan siya nito.Ngunit sa huli pala ay sila Rin Pala Ang magkakatuluyan NG binata.
Romance
1073.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The Sexiest Secretary (SMS#4)

The Sexiest Secretary (SMS#4)

MDD
Warning: Romance, SPG Attracted na si Black Andrada sa bagong secretary ng kaibigan na si Karen Moore. Ito lang ang babaeng ginusto niya na ang hirap angkinin kaya naman mas lalo siyang na challenge kaya ginawa niya ang lahat hanggang sa bumigay ito sa kanya. Ang naramdaman niyang pagkagusto sa babae dahil maganda at sexy ito ay naging mas malalim pa ng makilala niya ito ng lubos. Hindi niya inaasahan na sa tanang buhay niya ay maranasan niyang magmahal, makuntento at rumespeto at si Karen lang ang taong nagpabago sa kanya. Pero totoo nga ang salitang KARMA, dahil sa lahat ng ginagawa niyang pangloloko ay bumalik sa kanya ng iwan siya ng babaeng pinakamamahal niya. At dahil sa nangyari na hindi matanggap ni Black ay umabot sa puntong nadisgrasya siya at hiniling na sana mawala na lang siya kung hindi rin naman babalik sa kanya ang dalaga. Babalik pa kaya si Karen pag nalaman niya ang nangyari sa kanyang kasintahan? At ano nga ba ang naging dahilan ni Karen para ganon kadaling iwan ang kasintahan. Subaybayan ang pag-iibigan nina Black at Karen at hanggang saan matatapos ang kanilang relasyon.
Romance
1.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Never Tame A Beast

Never Tame A Beast

(Ship of Temptation 3) Si Olie ay inampon ng isang mayamang matandang lalaki na walang kakayahang magkaanak. Gusto ng adoptive father niya na mapalapit siya kay Cly, a mentally retarded person, for a marriage proposal. Nais ng ama ni Olie na makuha ang kayamanan ni Cly sa pamamagitan ng kasal, na iniwan ng mga magulang nito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, nalaman ni Olie ang pagpapanggap ni Cly. Natakot siya at tumakas lalo na ng gusto ni Cly na ikulong siya at angkinin. After 8 years, nagkita muli si Cly at Olie. But this time, may boyfriend na si Olie na iba na kaibigan ni Cly. Anong gagawin ni Cly para mabawi si Olie? Magpapatuloy ba ang nasimulan nila noong una? O tuluyan ng sarado ang puso ni Olie sa kaniya?
Romance
1013.4K viewsOngoing
Read
Add to library
One Night To Remember  (One Night Stand With A Billionaire)

One Night To Remember (One Night Stand With A Billionaire)

Parang sinukluban ng langit si Rica ng malaman ang kondisyun niya sa doctor. Lalo pa siyang nalugmok sa kalungkutan ng sabihin nitong bilang na ang panahon niya. Halos hindi na naging normal ang Buhay niya magmula noon.Isang alok ng kaibigan ang sasagip sa kanyang lugmok na kapalaran pero hindi akalain ni Rica na iyon ang magdudulot ng samot saring paghihirap sa kanyang buhay
Romance
1011.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Prae High

Prae High

MarkusJuan
Taong 2000, isang pandemya ang sumakop sa buong mundo na naging sanhi ng malaking pag baba ng populasyon. Lahat ng may buhay ay naapektuhan. Lahat ng natamaan ng virus ay nawawala sa sarili, kinakain ang sariling laman pati na rin ang sa kapwa nila, na sa kalaunan ay mapaparalisa hanggang sa maagnas ang natitirang parte ng katawan nito. Ang pandemyang umabot ng dalawang dekada ay kusang naglaho gaya ng mga naagnas na mga bangkay. Pero naging daan din ito para umusbong ang panibagong kababalaghan at misteryong dala ng virus na ito. Si Migi Baldemor na simpleng estudyante ay mababago ang buhay mula nang masaksihan niya ang karumaldumal na pagkawala ng mga kaibigan niya. Kasabay nang pagkawala ng kanyang ina ay siya rin paghahanap nito ng hustisya. Makikila niya ang lalaking tutulong at magdadala sa kanya sa Prae High. Sari-saring emosyon ang mararamdaman niya habang nakikipagsapalaran at nakikipaglaban na nakataya ang kanilang buhay. Hanggang saan sila dadalhin ng problema? Sino ang kakampi at sino ang tunay na kalaban?
Mystery/Thriller
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Torn between Two Lovers

Torn between Two Lovers

WARNING: Some chapters contained hot scene/bed scene. Please be mindful that 17 below is not suitable for reading those. Read at your own risk. One-night-stand changes everything. Dahil sa kalasingan nina Rosalie at Jervis, hindi sinasadya ng kanilang katawan na makipag-laro sa isang lugar. It was a big mistake. There are best friends. But after that, they agreed that they could touch each other. However, Rosalie loves his second boy’s best friend ever since she was eight and Harvick was eleven. She couldn’t find her way kung paano siya mapansin ni Harvick. Not until Jervis confesses that he loves Rosalie. Rosalie refuses and rejects him because Rosalie loves Harvick ever since they were kids. Ngunit isang malaking pagsisisi para kay Rosalie na i-reject ang kanyang unang naging kaibigan sapagkat palagi itong tumatakbo sa kanyang isipan. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman at naguguluhan siya sa kanyang dalawang kaibigan. Not until tragic happened, hindi lubos maisip ni Rosalie ang kanyang nalaman. Sino kaya ang kanyang pipiliin sa dalawa? Si Jervis ba na parating nandiyan para sa kanya? O ang kanyang pinapangarap na lalaki simula pa n’ong mga batang paslit pa sila?
Romance
1010.1K viewsCompleted
Read
Add to library
He Loves Me, He Loves Me Not

He Loves Me, He Loves Me Not

Matagal nang may gusto si Zyline kay Nick. Anim silang magkakabarkada kasali si Nick. Alam na ng lahat ang pagtatangi niya sa kaibigan maliban na lang yata rito. Hindi niya alam kung manhid lang ito or talagang wala lang gusto sa kanya. Si Brent ang pinaka-bestfriend niya sa lahat ng mga kaibigan niya. Kahit hindi niya sinasabi rito ang nararamdaman kay Nick dahil sa hiya ay alam din ni Brent iyon. Paano kung nagbago ang lahat nang halikan siya ni Brent? Hindi nya maikakaila ang kuryenteng naramdaman no'ng gabing hinalikan siya nito. Pinagbigyan niya ang lalaki sa gusto nitong mangyari. Susubukan nilang maging sila pero palihim. Ngayon ay litong-lito na siya. Sa pag-aakala ni Brent na si Nick pa rin ang gusto niya ay bigla itong umalis at hindi na nagpakita. Saka naman siya niligawan na nang tuluyan ni Nick. Pero bakit sa halip na maging masaya at sa wakas ay napansin na rin siya ni Nick bilang babae ay si Brent na ang hinahanap ng puso niya? Si Brent na hindi na nagparamdam sa kanya mula no'ng gabing muntik nang may mangyari sa kanila.
Romance
109.8K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
3738394041
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status