Got Pregnant And Divorced: Married A CEO By Pretend
Si Jasmine Cuenca ay labis na umiibig kay Vincent de Alegre.
Maaga silang ipinagkasundo upang manaig pareho ang mga pamana ng kanilang mga pamilya. Bilang prominenteng tagapagmana, napilitan si Vincent na pakasalan si Jasmine kahit hindi niya ito minahal mula pa sa simula.
Dahil doon, nagkaroon sila ng kani-kaniyang buhay matapos ang kasal. Ngunit taliwas sa inaasahan ni Jasmine, ganoon pa rin si Vincent, ang lalaking nakilala niya noong high school. Malamig ang pakikitungo nito sa kanya at mas lalo pang naiirita sa tuwing nakikita siya.
Isang pagtrato na hindi kailanman nagbago, hanggang sa unti-unting naging malabo ang pananaw ni Jasmine.
“Let's get divorce, Jasmine…”
Narinig niya ang mga salitang iyon, ngunit wala siyang nagawang sabihin kundi tahimik na kamuhian si Vincent dahil hindi siya nito minahal sa paraan ng labis niyang pagmamahal dito.
Nilagdaan niya ang kasunduan ng diborsyo nang puno ng galit, ngunit kinabukasan ay may nalaman siyang nakakatakot na balita.
Buntis siya!