The Billionaire's heir
“Ibig sabihin, bago siya naging Catriona Sanchez, may ibang tirahan siya sa panahong iyon? At ang oras ay eksaktong pareho noong naghiwalay kami?”
“Opo, Sir,” sagot ni Roberto. “Pero dito pumapasok ang problema. Ang pangalang ginamit niya sa bahay na iyon ay iba, at walang tiyak na rekord kung saan siya dumiretso pagkatapos umalis doon. Sinubukan naming hanapin ang mga dating may-ari ng bahay at mga kapitbahay, pero ang tanging natatandaan lang nila ay may isang dalagang nanatili doon nang halos isang taon, tahimik lang, at bihirang lumabas. Wala silang matandaan na mukha o ibang detalye na makapagpapatunay kung sino talaga siya.”