Kakambal Sa Ibang Mundo
Sa mundo ng mga diwata, kapag may taong nakasabay nila sa oras kung kailan sila isinilang ay itinuturi nila itong kakambal. Magkaiba man ng mundo, nakagisnang buhay ay hindi pareho pero sa paniniwala ng diwata kakambal niya ito.
Siya ay si Alea, isang tao na laging dinadalaw ng kakambal niyang diwata. Ngunit pilit silang inilalayo sa isa't-isa kaya lumaki silang hindi nagkakasama. Lumipas ang maraming taon at hindi na rin nagpapakita ang kambal nitong diwata. Ngunit nang dumating ang nalalapit na panglabing-walong taong kaarawan nila ay muli itong nagparamdam at nagpakita. Siya ay si Avaleighra, ang kakambal niyang diwata.