She Only Live Twice
Lahat ng emosyon niya, nasa akin.
Bilang Lemon Concepcion, hindi na ako palangiti o palatawa. At hindi na rin ako nagkaroon ng bagong kaibigan. Pero nang mapunta ako rito, naging palangiti at palakaibigan ako. Naging masiyahin ako. Iyon ay dahil nakuha ko ang ugali ni Liwanag. Hindi ako vocal masyado noon sa pagtatanggol sa less privileged people pero nang mapunta ako rito, padalos-dalos na ang pananalita ko. Ito na rin siguro ang dahilan ng kapahamakan ni Liwanag. Minsan, hindi siya nag-iisip.
"Mon, ayos ka lang ba?" tanong ni Josefa nang bigyan niya ako ng tasa ng kape at nandito ako sa kusina, magpapainit muna ng tiyan kasi maaaga pa naman.
Hot Chapters