The Runaway Fiancé
Hindi rin naman naglaon ay magpatugtog na nga kaya todo hiyawan na ang mga tao.
Ang una nilang kinanta ay pamilyar sa akin ngunit hindi ko alam ang lyrics kaya hindi rin ako makasabay sa mga sigawan ng mga tao. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan si Travis na pumapalo sa drum na nasa harapan niya. Nakapikit siya at bahagyang nakabukas ang labi habang pumapalo. Nagkikislapan na ang butil ng pawis tuwing nasisinagan iyon ng ilaw. Basa na rin ang kaniyang buhok maging ang damit ay pawisan na.
"And if you still go I understand... would you give me something just to hold onto. And if you stay, I'll hold your hand... cause I'm truly, madly, crazy in love with you," Pagkakanta ni Austin.
ตอนยอดนิยม