Alipin Ng Tukso
Khaliyah POV
Tahimik sa bahay ngayon. Kanina pa akong paikot-ikot, hindi mapakali. Si Larkin, maaga pa lang ay umalis na para sa training niya sa bar na pagtatrabahuhan niya. Ngayon lang ulit naging ganito katahimik ang paligid. Wala akong marinig kundi ang tik-tak ng wall clock sa sala at huni ng ibon sa labas. Gusto ko sanang magpunta sa palengke para mamili ng mga need, kaya lang ay hindi puwede dahil baka makita ako doon ni Konsehal Ricardo at ni Rica. Nakakainis kasi kahit nakapag-iba na ako ng look, nakilala pa rin ako ni Konsehal Ricardo, kahit iba na ang kulay ng buhok ko, madali niya akong nakilala.
Hot Chapters