Karmine’s Tale
Inilahad ko ang kamay ko and he shook it firmly.
“Sana naman ay hindi mo saktan ang panganay ko. Ikinagagalak din kitang makilala, Kiel at Tito or better yet ay Papa na lang rin ang itawag mo sa akin tutal ay magiging isang pamilya na rin naman tayo balang-araw.” Napangiti ako sa sinabi niya. “Ah, by the way, this is Astrid Sotto, she’s the daughter of my business partner, Jake Sotto. Astrid, Hija these are my daughters, si Karmine ang panganay ko, si Madison naman ang ikalawa at si Karine, ang bunso ko. At si Kiel nsman itong mapapangasawa ng panganay kong napakaganda.” Isa-isang ipinakilala kami ni Tito Kiko kay Astrid na nakasimangot na at magkasalubong ang mga kilay.
Bab Populer