Filtres
Updating status
AllOngoingCompleted
Trier par
AllPopulairesRecommandationsNotesMis à jour
My Contract Wife is the Billionaire’s Weakness

My Contract Wife is the Billionaire’s Weakness

Si Elena Marquez, isang simpleng physical therapist, ay namumuhay nang tahimik at malayo sa mundo ng mayayaman. Ngunit nagbago ang lahat nang dumalo siya sa isang charity gala ng hospital kung saan siya nagtatrabaho. Doon niya nakilala si Dr. Alexander Villareal, isang malamig ngunit makapangyarihang billionaire neurosurgeon na kilala sa kanyang talino at intimidating na presensya. Ang isang gabing hindi inaasahan ay nagdulot ng matinding attraction sa pagitan nila—isang bagay na hindi nila kayang ipaliwanag. Ilang linggo matapos ang gabing iyon, kumalat sa media ang isang scandal na nag-uugnay sa kanilang dalawa. Upang protektahan ang kanyang reputasyon at negosyo, nag-alok si Alexander ng isang contract marriage kay Elena. Dahil sa problema ng kanyang pamilya, napilitan siyang tanggapin ang kasunduang iyon. Habang nakatira sila sa iisang bubong at nagpapanggap na masayang mag-asawa sa harap ng publiko, unti-unting lumalabo ang linya sa pagitan ng pagpapanggap at tunay na damdamin. Ipinakita ni Alexander ang isang side na walang ibang nakakakita—protective, intense, at possessive—habang si Elena ay unti-unting nahuhulog sa lalaking hindi niya dapat mahalin. Ngunit ang kanilang marupok na relasyon ay nanganganib nang bumalik si Veronica Alcantara, ang mapanganib na ex-girlfriend ni Alexander na determinadong sirain ang kanilang kasal. Sa gitna ng mga lihim, iskandalo, at matinding emosyon, kailangang piliin ni Elena kung lalayo ba siya… o ipaglalaban ang pag-ibig na nagsimula lamang bilang isang kontrata.
10240 VuesEn coursAjouté à la bibliothèque 9 fois en tant que linya
Read
+Librairie
The Fine Print of Falling in Love

The Fine Print of Falling in Love

“Isang halik lang dapat… pero bakit parang gusto kong ulitin?” ani Alexis Vergara sa sarili, habang hinahabol ang sariling hininga matapos ang mainit na tagpo sa pagitan nila ni Ralph Santillian — ang bestfriend ng ex niyang cheater na si Julio. Isang gabing puno ng emosyon, galit, at alak, nagbago ang lahat sa isang iglap. Ang halik na dapat ay para lang ipamukha kay Julio na hindi siya nasira, ay bigla na lang nag-iwan ng init at kaguluhan sa puso’t isipan ni Alexis. Si Ralph, tahimik, misteryoso, at hindi interesado sa drama ng paligid, ay bigla na lang naging bahagi ng isang planong puno ng kasinungalingan: isang contractual marriage. Hindi sila in love, hindi sila magkaibigan, pero pareho silang may gustong patunayan — na kaya nilang makabangon mula sa mga nanakit sa kanila at gumanti sa ginawang pananakit ng mga taong minsang minahal nila ngunit sumira din sa kanila. Habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, unti-unting nabubura ang mga linya ng kasunduan. Si Alexis, na dating galit at puno ng poot, ay nahuhulog kay Ralph. Samantalang si Ralph, na tila bato ang puso, ay natutong ngumiti at masaktan para sa babaeng minsang bahagi lang ng isang plano. Ngunit paano kung bumalik si Julio para muling guluhin ang lahat? At paano kung ang dating kasunduan ay maging totoo na sa mata ng batas… at sa tibok ng puso?
9.97.6K VuesEn coursAjouté à la bibliothèque 166 fois en tant que linya
Read
+Librairie
Loving  My Uncle Was A Sin

Loving My Uncle Was A Sin

Lumaki si Sue na si Benedict ang laging nasa paligid ang kaibigan ng kanyang ama na marunong umayos ng sirang pinto, tahimik sa mga handaan, at palaging handang umalalay. Para sa kanya, si Benedict ay “Uncle Ben,” isang pamilyar na presensya sa bawat yugto ng kanyang pagkabata. Ngunit nagbago ang lahat nang bumalik si Sue mula sa kolehiyo. Hindi na siya ang batang naaalala ni Benedict. Isa na siyang babaeng may sariling paninindigan, may dalang sugat mula sa nakaraang pag-ibig, at may paghahanap sa isang koneksyong tunay. Samantala, si Benedict ay nabubuhay sa tahimik na mga araw—may mga panghihinayang, mga salitang hindi nasabi, at mga relasyong hindi nagtagal. Sa kanilang muling pagkakasalubong, unti-unting nabubuo ang mga sandaling hindi nila inaasahan mga late-night na usapan sa kusina, tahimik na kape, at mga katahimikang masyadong mabigat para balewalain. Dito nagsisimulang mabuo ang damdaming pareho nilang tinatakasan. Nakikita ni Benedict ang mga bagay na hindi niya dapat makita. Si Sue naman ay natutong tingnan si Benedict hindi na bilang “uncle,” kundi bilang isang lalaking maaasahan at kakaiba sa lahat ng kanyang nakilala. Ngunit ang pagitan nila ay hindi lamang edad kundi ang tiwala ng ama ni Sue, ang dangal ng pamilya, at ang bigat ng mata ng lipunan. Habang may nanliligaw kay Sue na aprubado ng lahat at hinihikayat si Benedict sa isang “tamang” relasyon, lalo silang naipit sa linya na ni isa ay hindi kayang tawirin. Hanggang isang gabi, sumabog ang lahat ng pinipigil. Ipaglalaban ba nila ang nararamdaman o susundin ang sinasabi ng lipunan bawal ang kanilang pagmamahalan.
338 VuesEn coursAjouté à la bibliothèque 12 fois en tant que linya
Read
+Librairie
ONE NIGHT STAND WITH MY SISTER FIANCE

ONE NIGHT STAND WITH MY SISTER FIANCE

Grace Fiona Caliz was born into wealth but lived in a nightmare. May malaki siyang peklat sa left face. She have buised by the cruelty of her stepmother and stepsister, she was a prisoner in her own home. When her father fell into a coma, the abuse turned deadly. Shot and thrown off a bridge by Hailey and her mother Teresa, Grace was left for dead. But Grace didn't die. Rescued and reborn as the stunning, flawless Sidney Galix, she returns with a cold heart and mission to take back everything that was stolen. Her first move? Infiltrating Hailey life as her personal bodyguard. Her second? Seducing Kalix Cross Desmond, the man Hailey is set to marry to save the company of Grace father. Ngunit hindi lang basta paghihiganti ang pakay nya. She’s playing a dangerous game where one wrong move could cost her everything. Habang dumadaan ang mga araw bilang bodyguard ni Hailey, unti-unting nabubura ang linya sa pagitan ng kanyang disguise at ng kanyang tunay na nararamdaman. She was supposed to be a heartless and cold Pero sa bawat titig at bawat pagkakataon na kailangan niyang lumapit kay Kalix Cross Desmond, unti unting natutunaw ang yelo sa kanyang puso. Kalix is a man who gets what he wants, and right now, his eyes are fixed on the mysterious woman guarding his fiancee. Grace knows she should stay focused on her mission. Kailangan niyang bawiin ang dangal ng kanyang ama at sirain ang mga taong kumuha nito. Pero paano kung ang lalaking dapat niyang gamitin bilang sandata ang siya ring nagiging kahinaan niya?. Sa gitna ng paghihiganti, Grace finds herself trapped in a web of her own making. Will she choose the justice she’s craved for years, or the love that threatens to burn her world down?"
96 VuesEn coursAjouté à la bibliothèque 2 fois en tant que linya
Read
+Librairie
Slave of a Heartless Mafia

Slave of a Heartless Mafia

NAPAPIKIT ako dahil sa ibat-ibang klase at kulay ng ilaw na tumatama sa mukha ko.Isabay rin ang pinagsamang ingay ng mga tao at lakas ng tugtog..This is not my first time being here, I have a friends who love bars and parties and I already used to this, infact this is my leisure. "Klare? Nandito na sila" bulong saakin ni Carlo.pinsan ko..Alam niya ang plano ko at kahit nag-aalangan ay wala na siyang nagawa para pigilan ako....I can't let my family down.Not this time "Ano ng gagawin natin?" aniya "J-just stick to the plan Carl" napailang siya. Alam kong hindi siya sangayon sa gagawin ko..pero gaya nga ng sinabi ko, wala ng mababago..I made my decision BINALIK ko ang atensyon sa lalaking nakasandal sa sandalan ng sofa habang tahimik na pinapanood ang mga taong nagsasayaw sa malawak na dance floor.. Siguro ay kagagaling lang nila sa opisina base na rin sa nakikita kong mga suot nila..Isang puting polo ang suot niya na nakatupi hanggang siko, Sa klase ng tindig at pagkakaupo niya ay masasabing hindi siya basta-bastang tao..He look powerful with that simple aura..Hindi nakapagtatakang kaya niyang maisalba ang kompanya o kabuhayan ng kahit sino Nawala lang ang atensyon ko sa lalaki ng makita si Carlos na nasa mesa na nila..Nakipagkamay sa kanya ang mga lalaki.Nakikita ko ring tila naguusap sila pero hindi ko naririnig,tanging pagbuka lang ng bibig nila ang nakikita ko..They both know each other,Hindi man ganoon kalapit pero magkakilala sila dahil nasa iisang linya lang sila.Bussines Palihim na tumango ako kay Carlos ng bumaling siya saakin...Tumayo siya, sinundan ko ng tingin..Mula sa bar counter hanggang sa makabalik ulit siya sa grupo ng mga lalaki 'tulad ng plano'
1043.3K VuesComplétéAjouté à la bibliothèque 1.1K fois en tant que linya
Read
+Librairie
Collateral To The Ruthless Billionaire

Collateral To The Ruthless Billionaire

Ang kanyang pamilya ang gusto niyang makuha. Ang kanyang kalayaan ang hiniling niyang kapalit. Itinayo ni Irish Wei ang kanyang pangalan bilang ang pinakakinikilalang art curator sa lungsod—isang babaeng may dangal sa mundong pinaghaharian ng yaman at kapangyarihan ng mga dinastiyang negosyante. Ngunit nang gumuho ang imperyo ng kanyang pamilya dahil sa utang at pagkakanulo, siya ang naging huling collateral na gustong angkinin ng isang walang awang bilyonaryo. Hindi naghari si Kendrick Reyes sa pamamagitan ng pagiging mabait. Matagal nang hinintay ng negosyanteng ito ang pagbagsak ng pamilya Wei. Subalit nang makaharap niya si Irish—mayabang, matapang, handang ipagpalit ang sarili para sa kaligtasan ng kanyang pamilya—binago niya ang kasunduan. Isang taon. Ang kanyang buhay, kanyang pagsunod, ang kanyang lubos na pagpapasakop. Kapalit nito, ang kanyang ama ay makalalaya at mananatiling buo ang kanilang pangalan. Maninirahan siya sa mundo ng mga nakakulong na penthouse sa Gangnam, dadalo sa mga eksklusibong gala, at magiging tropeo sa harap ng mga piling tao ng lungsod. Nakakulong sa isang ginintuang hawla, inaasahan ni Irish ang kalupitan. Ang hindi niya inaasahan ay ang lalaking puno ng kontradiksyon—isa na magbabantay sa kanya nang may bangis na magpapalabo sa linya ng kanyang pagkabihag at pagiging protektado. Ngunit ang imperyo ni Kendrick ay itinayo sa mga lihim, at ang katotohanang taglay ni Irish ay maaaring siyang tanging bagay na hindi kayang kontrolin ng kanyang kapangyarihan. Sa larong puno ng yaman at pagnanasa, ang pinakamapanganib na pusta ay hindi ang pagkawala ng kanyang kalayaan. Ito ay ang pagkawala ng kanyang puso sa lalaking nagnakaw nito.
188 VuesComplétéAjouté à la bibliothèque 4 fois en tant que linya
Read
+Librairie
Signed, Sealed, Unexpectedly Yours

Signed, Sealed, Unexpectedly Yours

Mula sa mundo ng mga ilaw, alak, at mga lalaking may pera, sanay na si Aithne Montillano na magpanggap. Magpanggap na masaya siya sa ginagawa niya kahit alam niya sa sarili niyang hindi.Kahit kailan man ay hindi siya magiging masaya sa pagiging club entertainer, pero kahit pa man ganun ang kanyang trabaho ay hinding hindi siya nagpapagalaw sa mga customers niya, tanging hawak lang ang mga ito sa hita niya o kaya hinahalikan siya ng mga ito sa leeg. Kahit palibutan siya ng mga mayayamang lalaki gabi gabi, ay may isang prinsipyo siyang hindi kailanman binasag, ang sarili niya ay hindi kailanman ibebenta kapalit ng salapi. Hanggang nakilala niya si Havoc Marchetti- isang ruthless billionaire CEO, kilala siya sa pagiging walang awa sa negosyo at walang awang pinapalampas na kahinaan. Sanay siyang manalo, sa boardroom, sa deals, at sa buhay. Isang maling desisyon lang ng kalaban ay kaya niyang agawin ang kumpanya, wasakin ang reputasyon, at lumakad palayo na parang wala lang. Perpekto ang buhay ni Havoc. Kahit babae nabibili niya, at wala siyang balak mag asawa dahil para sa kanya ang pagpapakasal ay isang kulungang kailanman ay hindi niya matatakasan, ngunit makulit ang ina niya, madalas siya nitong kinukulit kung kailan siya mag-aasawa at magkaroon ng anak. Sa isang gabing puno ng tensyon at tahimik na titigan ay biglang gumawa ng alok si Havoc na hindi kayang tanggihan ni Aithne. Isang gabi. Isang kontrata. Isang halagang kayang magligtas ng buhay. Dahil sa trahedyang magpapatumba sa kanyang mundo , mapipilitan si Aithne na suwayin ang sarili niyang panata.Habang mas lumalım ang kanilang ugnayan, mas lumalabo ang linya sa pagitan ng pagnanasa, damdamin, at pag-ibig. Sa mundong lahat ay may presyo, hanggang saan mo kayang ibenta ang sarili mo kapag puso mo na ang nakataya?
10487 VuesEn coursAjouté à la bibliothèque 15 fois en tant que linya
Read
+Librairie
Dernier
123
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status