Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Hahamakin Ko ang Lahat

Hahamakin Ko ang Lahat

“Minsan, ang pinakamadilim na pagkabulag… ay ang pagkabulag sa pag-ibig.” Si Lorie Philip, ang nag-iisang tagapagmana ng Philip Empire, ay nawala ang lahat sa isang iglap. Isang aksidente ang kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang at nagdulot ng kanyang pagkabulag — iniwan siyang mag-isa, mahina, at umaasa lamang sa lalaking akala niya’y kanyang sandigan: si Jason Curry, ang asawa niyang ipinagkasundo sa kanya mula pagkabata. Ngunit ang pag-ibig na inakala niyang totoo, ay isa palang malupit na panlilinlang. Habang siya’y nabubuhay sa dilim, ginamit siya ni Jason upang makuha ang lahat ng ari-arian ng Philip family, habang palihim na nilalapastangan ang kanilang kasal kasama ang sekretarya nitong si Necy. Sa paningin ni Lorie, siya ay minamahal. Ngunit sa katotohanan, siya ay ginamit, pinagtawanan, at niloko. Hanggang sa isang araw, isang pagkadulas sa banyo ang nagbalik ng kanyang paningin at kasabay nito, ang katotohanang mas masakit pa sa pagkabulag. Nakita niya mismo ang kanyang asawa at sekretarya, naglalampungan sa study room, at mula sa bibig ni Jason, narinig ang mga salitang pumunit sa kanyang puso: “Hindi ko siya mahal. Kayamanan lang niya ang kailangan ko.” Ngunit ang mas mabigat na katotohanan, ang aksidenteng pumatay sa kanyang mga magulang ay hindi aksidente, kundi isang maingat na plano ng pamilya Curry. Sa gitna ng luha at galit, nanumpa si Lorie: “Pagbabayarin ko kayo sa lahat ng ginawa n’yo sa akin.” Sa tulong ng isang matalino at misteryosong private investigator na si Fernan James, unti-unti niyang binuo ang kanyang lakas upang bawiin ang lahat — kayamanan, hustisya, at dignidad. Ngunit habang lumalalim ang imbestigasyon, unti-unting nagigising ang damdamin niyang matagal nang natulog. Pag-ibig ba o hustisya ang pipiliin niya? At handa ba siyang magmahal muli sa lalaking handang ipaglaban siya, kahit kapalit ay buhay niya?
Romance
10424 DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
AANGKININ KO ANG LANGIT

AANGKININ KO ANG LANGIT

Bawat babae ay nangangarap ng masaya at perpektong love story. Hindi naiiba roon si Jamilla, isang ordinaryong dalaga na nagmahal ng lalaking langit ang tinatapakan. Pag-ibig ang nagbigay kulay at buhay sa kanyang mundo, ngunit iyon din pala ang wawasak sa pilit niyang binubuong magandang kuwento. Pinili ni Jamilla ang lumayo upang hanapin ang muling pagbangon. Pero ipinapangako niyang sa kanyang pagbabalik, aangkinin niya maging ang langit. Abangan!
Romance
9.710.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Ang Ikatlong Misis Lagdameo

Ang Ikatlong Misis Lagdameo

“I liked you. And when I grow up, I promise to marry you.” Totoo palang mapagbiro ang tadhana. Dahil nang maglayas si Francesca at mapadpad sa mansyon ng mga Lagdameo; hindi niya akalaing magkukrus muli ang landas nila ni Leandro — ang lalaking bumihag sa kaniyang batang puso noon. Kaya sa halip na mabawasan ang problema, ay mas lalo lang nakadagdag sa isipin ang kakaibang kabog ng kaniyang dibdib sa tuwing makikita ang lalaki. Ano’ng gagawin niya? Paano ba niya sasawayin ang pesteng puso sa kakatwang pagtibok nito?
Romance
101.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Ang Bilyonaryo Kong Asawa

Ang Bilyonaryo Kong Asawa

Lahat ay ginawa na ni Raquel para mahalin siya ng kaniyang asawa subalit wala itong ginawa kung hindi ipadama sa kaniya na hindi siya mahal ng lalaki. Nagpakaalipin siya para lang makuha ang inaasam na pagmamahal mula sa asawa subalit sarado ang puso nito para sa kaniya hanggang isang araw ay nagising na lamang si Raquel na pagod na. Pagod na siyang mahalin ito, intindihin, at magtiis sa paulit-ulit na pagtataksil kaya't nang alukin siya nito ng paghihiwalay ay kaagad naman niyang tinanggap. Umuwi si Raquel sa kanilang probinsya dala ang balitang buntis siya sa asawa at pinangakong hindi na babalik. Ikinagulat ng lahat ang bigla na lamang pagsunod ng kaniyang asawa na nagsusumamong tanggapin niya ito at siya naman ngayon ang hinahabol-habol ng bilyonaryo niyang asawa.
Romance
1013.6K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Ang Manugang kong Hamak

Ang Manugang kong Hamak

Nagpanggap na mahirap si Sabrina Gabrielle Madrigal, ang bunsong anak sa tatlong magkakapatid na anak ng kilalang Business Tycoon na si Don Felipe Madrigal. Namuhay ng simple at nakihalubilo sa gitna ng mga taong hindi niya kapantay ang estado sa buhay. Pinili niyang bumaba sa pedestal na kinalalagyan, iyon ay dahil kay Vladimir Hidalgo na isang gwapong Varsity Player na nakapag-aral lang dahil sa scholarship. Paano kung ang lalakeng pinangarap at minahal ng higit sa sarili ay ito pa pala ang magsadlak sa kaniya sa mala-impyernong buhay? At ano ang magiging bahagi ng isang Zachary Montefalcon sa buhay ni Sabrina Gabrielle na nakilala lang nito dahil sa isang aksidente? Sa pagitan ng pag-ibig at paghihiganti. Ano ang mananaig?
Romance
101.7K DibacaOngoing
Baca
Tambahkan
Ang Larong Sinimulan Natin

Ang Larong Sinimulan Natin

Ukiyoto Publishing
4.77.8K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Ang kanyang maid (TAGLISH)

Ang kanyang maid (TAGLISH)

Niloko siya ng asawa niya, na bankrupt ang companya niya. And now she tried very hard to find a job for her daughter. Nakahanap siya ng trabaho. Elyse thought that being a maid of a man called Xander is easy... Not knowing her life would be changed because of him...
Romance
8.982.5K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Mine ang Baklang CEO

Mine ang Baklang CEO

"Mine ang baklang CEO!" Lakas loob na sigaw ni Janina habang titig na titig siya sa mata ng lalaking isinusuka siya. Janina Marie, isang babaeng pilit iaangat ang sarili para sa dignidad na dati'y taglay ng kaniyang pamilya. Handa siyang maging pambayad utang kung kapalit noon ay ang puso ng baklang CEO. Xavier Wesley, the ruthless CEO. Walang kasal ang kayang baguhin ang puso niyang kasing tigas ng bakal, lalo na kung ang mapapangasawa niya ay isang babaeng baliw na baliw sa kan'ya. Ngunit paano kung biglang sumingit sa kasal nila ang isang Jake Admerson, kakayanin bang panoorin ni Xavier ang unti-unting pagkawala ng pag-ibig na dati'y nakalaan sa kan'ya? Tuluyan na nga bang bibitawan ni Janina ang kaniyang baklang CEO para sa isang pag-ibig na wagas?
Romance
9.876.7K DibacaTamat
Tampilkan Ulasan (25)
Baca
Tambahkan
Aish
Tatak Magic Heart talaga. Hindi mo alam kung ano ang susunod na mangyayari dahil kilala siya sa mga twists na hindi inaasahan. Gusto ko nang maniwala sa mga rebelasyon pero knowing its author, mas gusto kong sundan ang story kasi feeling ko ay magsisisi ako kapag hindi ko ito tinapos.
Andrea
ang ganda...... para saken pwede to sa mga young adult kc hindi sya rated spg...️ very inspiring ang character ni JM at c Xavier naman napaka family oriented kaya love q talaga sila......️ Hindi boring kahit wala pang totoong bed scenes sa main characters very modest...️ Salute to you author magic heart...️...️...
Baca Semua Ulasan
Ang Hot Na Mekaniko

Ang Hot Na Mekaniko

Si Pierre ay isang lalaking matikas, gwapo at mahusay na mekaniko. Sa edad na trentay uno ay single pa sya, at wala pa sa planong pumasok sa usaping pang puso. Hindi nababakantehan ang sex life niya. Mataas ang kanyang libido at sinumang babaeng matipuhan ay nakukuha nya. Pero paano kung sa isang dalagang mas bata sa kanya ng labing tatlong taon sya nakaramdam ng init na katawan? Na ang turing sa kanya ay parang kuya. Mapigilan nya kaya ang pagnanasang nararamdaman sa dalaga o magpapaalipin sa nais ng katawan na maangkin ito. Pierre Allen Rosca at Anika Robles story.
Romance
1014.8K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Ang Lalaking Naka Maskara

Ang Lalaking Naka Maskara

Mula nang mabutnis ako, hindi na ako ginalaw ng asawa ko. Gayunpaman, nakakahiya man, lalo lang naging sensitibo ang katawan ko. Tuwing gabi, naghahanap ako ng pisikal na koneksyon, hindi ko mapigilan ang isip ko na magpantasya ng kung anu-ano, iyon ay hanggang sa may lalaking naka maskara na pumasok sa bahay ko.
Cerita Pendek · Kilig
2.7K DibacaTamat
Baca
Tambahkan
Sebelumnya
1
...
34567
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status