Wanted Father of my Child
Mabilis naman palang kausap 'to, maliban sa may pagka malandi niyang ugali ay okay lang naman siya.
Base sa reaksyon ni Laine at Tobi kanina, mukhang mahihirapan siyang kunin ang loob ni Laine.
"What should I call you by the way?", tanong ko.
Ngumisi siya.
"Love, baby, sweetheart, darling... Daddy?"
Napairap ako sa hangin.
"Ibig kong sabihin pangalan mo linta.", matigas kong sabi.
Naglaho 'yung ngisi niya.