Into the Wishing Well
"Heto naman ang likidong ganda. Kapag uminom kayo nito, maaalis ang mga dumi sa inyong mukha. Minsan ginagamit din ito para maalis ang ating kapintasan sa itsura ngunit masyado itong mahirap gawin. At bihira lang ang mga nakakagawa nito, karamihan sa mga uminom mas pumanget pa kung mali ang kanilang pagkakatimpla."
"Kelangan mo 'yan Kriselle!" pintas ni Moiselle sa kanyang kapatid. Natawa naman ang lahat.
Kriselle snorted. "Tanga, kambal tayo."
"Ang boteng ito ay ang likidong gamot, nilulunasan nito ang mga normal na sakit tulad ng sipon, ubo, lagnat, sugat at iba pa. Mayroon ding likidong gamot na gumagamot sa mga malulubhang sakit ngunit tanging Konseho at Kaharian ng Salamanca ang tumutug
인기 회차